BBM-Sara

Ginagawang pagpares sa iba tablado kay Mayor Sara

244 Views

TABLADO kay vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte ang ginagawa ng ibang grupo na isama siya sa ibang kandidato sa pagkapangulo.

Sa isang Facebook post sinabi ni Duterte na mananatiling si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang ka-tandem.

“We stand firm in unity along with the entire senatorial slate of the UniTeam,” sabi ni Duterte. “We stand undivided and shall remain strong despite the proclamation of other tandems that single out either Marcos or Duterte as a candidate.”

May grupo na nagkabit ng mga poster sa Mindanao kung saan ipinapareha si Duterte kay Manila Mayor Isko Moreno.

Inamin naman ng ka-tandem ni Moreno na si Dr. Willie Ong na siya ay nasaktan sa pangyayaring ito.

Nananatiling sina Marcos at Duterte pa rin ang nangunguna sa papalapit na halalan batay sa mga isinagawang survey.

Pero sa kabila ng kalamangang ito ay magpapatuloy umano ang kanilang pagpunta sa iba’t ibang lugar sa bansa upang personal na malaman ang mga hinaing ng mga Pilipino at hanapan ito ng solusyon.