Acidre

Tingog may mahalagang papel na ginampanan sa pagbubukas ng kauna-unahang unibersidad sa Balangiga

127 Views

MAYROONG mahalagang papel na ginampanan ang Tingog party-list upang maitayo ang unang unibersidad sa Balangiga, Eastern Samar.

Noong Agosto 17, 2023 ay binuksan na ang Eastern Samar State University (ESSU) Balangiga campus.

Sa kanyang talumpati, ikinuwento ni Tingog party-list Rep. Jude Acidre na kandidato pa lamang ito nang pangarapin ang pagtatayo ng unibersidad sa Balangiga.

“Han diri pa ako Congressman, nagko-compare notes kami ni Dana. Dana, paghimo kita hin ESSU Balangiga. Malaksi huna hunaon kay tigsiring pa man la. We were all hoping that the day will come and we are finally here, we are very happy and very proud that this project of having our own campus here in Balangiga is finally realized,” ani Acidre.

(When I was running as a Congressman, I used to compare notes with Dana. I told her, “Dana, let’s establish ESSU Balangiga”. it was so easy to say because, of course, we were only candidates back then…)

Ang ESSU Balangiga Campus ang unang college institution sa munisipyo, dagdag sa anim na campus nito na nasa Borongan, Can-avid, Guiuan, Maydolong, Salcedo at Arteche.

Nangako si ESSU President Pagatpatan Jr. na kokompletuhin ang teaching staff sa bagong campus nito.

Dumalo rin sa inagurasyon sina Eastern Samar Governor Ben P. Everdone, Vice Governor Maricar Sison-Gotesaan, Balangiga Mayor Atty. Dana Flynch de Lira, at Vice Mayor Danny Virgil B. Ablay.