Calendar
Tree planting program ng gobyerno, aprubado sa ika-3rd pag-basa
PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang batas na maglalatag ng mekanismo para maging epektibo ang pagpapatupad ng nationwide tree-planting program
Bumoto sa panukala ang 233 kongresista at tatlo lamang ang tumutol.
Aamyendahan ng House Bill (HB) No. 8568 ang ilang probisyon ng Republic Act (RA) No.10176, o “Arbor Day Act of 2012”.
“There is a need for a corroborated effort between the State and its citizenry to combat the loss of our natural resources and rejuvenate our environment by rehabilitating degraded forest land areas, improving soil fertility and land productivity, and reducing soil erosion especially in the rural and upland areas, undertaking nationwide tree-planting activities and providing effective measures for their maintenance and sustainability,” saad sa panukala na magbabago sa Section 2 ng RA No.10176.
Kasama rin sa inaprubahang panukala ang pagbabago sa Section 3 at 9 ng law, at bagong mga probisyon na 11-A at 11-B.
“Though this bill, we recognize the vital role and importance of trees in ecological stability,” saad ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, lider ng 311-miyembro ng House of Representatives, “I think we need trees more than trees need us.”
Sinabi ni Romualdez na ipinapaalala ng panukala sa mga probinsya, bayan at munisipalidad gayundin sa mga component barangay na tumalima sa batas para buhayin, sa pamamagitan ng proklamasyon ng kanilang local chief executives ang pagkakaroon ng Arbor Day na ipagdiriwang sa mapipiling petsa kada taon.
Ilan sa pangunahing may akda ng panukala sina Reps. Dante Garcia, Noel Rivera, Eleanor Bulut-Begtang, Alfonso Umali Jr., Ciriaco Gato, Jr., Gerardo Valmayor Jr., Marlyn Primicias-Agabas, Mark Go, Joseph Stephen Paduano, at Manuel Jose Dalipe.
Ang HB No.8568 ay nagsisilbi ring suporta sa kasalukuyang Arbor Day Committee sa iba’t ibang local government units (LGUs) sa pamamagitan ng pagsali ng field officers mula sa National Commission of Indigenous Peoples (NCIP).
Ang Arbor Day Committees ay dapat buoin ng field officers mula sa local Sanggunian, local Environment and Natural Resources Office, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Bureau of Plant Industry (BPI), Department of Education (DepED), Department of the Interior and Local Government (DILG);,Commission on Higher Education (CHED), Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Tourism (DOT), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coconut Authority (PCA), Civic organizations, Sangguniang Kabataan (SK), Liga ng mga Barangay (LnB), at media associations.
Inaatasan ang mga LGU sa tumulong sa DENR na tukuyin ang mga lugar na pagtataniman ng iba’t ibang specie ng puno at halaman kasama ang kawayan.
“The DENR shall ensure that national greening program sites within the municipalities and cities are propagated and planted of various species to enhance existing vegetation,” sab isa panukala
Maaari na ring magkaroon ng tree-planting activities sa ancestral domain.
Kasama rin sa mga maaaring pagtaniman ang mga school ground, hardin at iba pang lugar sa mga pampublikong eskuwelahan; nakatiwangwang na public lands; pampublikong parke sa mga siyudad at kanayunan; pribadong mga paaralan; parke at iba pang lupa na may pahintulot ang may-ari.
Ang DILG ang inaatasan na bantayan ang implementasyon ng RA No.10176 at magsusumite ng taunang ulat sa Congressional Oversight Committee.
Pinagsusumite rin ang DENR ng taunang ulat sa congressional oversight committee patungkol sa mga lugar na natukoy ng mga LGU na angkop sa tree-planting at reforestation.
Ang binuong Congressional Oversight Committee ay magbabantay rin sa pagpapatupad ng RA No.10176.
Magsisilbing co-chairpersons ang Committee on Local Government ng House of Representatives at Senado, habang magsisilbing miyembro ang chairpersons ng Special Committee on Reforestation at Committee on Natural Resources ng House of Representatives, at chairperson at vice chairperson ng Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change ng Senado.