Martinez Martinez: Bida ng Phuket.

Waves arangkada sa TBL finals

Robert Andaya Aug 22, 2023
631 Views

PASOK na sa finals ng Thailand Basketball League (TBL) ang Phuket Waves, na pinamumunuan ni dating PBA player James Martinez.

Hindi nagpa-awat si Morakinyo Michael Williams sa kanyang all-around game upang tulungan ang Waves na walisin ang No.1 seed Bangkok Tigers, 91-79, sa Game 2 sa Basketball Stadium, Multi-Purpose Building of the Office of The Permanent Secretary for Defense.

Nagpakitang gilas si Williams sa kanyang 37 puntos, 16 rebounds, apat na assists at apatna blocks sa loob ng 40 minutong aksyon para sa Waves, na tinapos angTigers, 2-0, sa kanilang best-of-three semifinal duel.

Nagdagdag si Hernal Escosio ng 19 puntos at siyam na rebounds sa kanyang pagpunan sa pagkawala ni Raymond Edward Miller dahil sa dehydration na natamo sa kanilang Game 1.

Nagdagdag naman ng tig-14 puntos sina Martinez at Supakon Saeming.

Bukod dito, si playing coach Martinez ay nagambag pa ng siyam na assists at apat na rebounds, habang si Saeming, na nagmula sa bench, ay nag-init sa three-point territory sa kanyang 3-of-4 shooting.

“Sobrang saya namin kasi underdog kami at No. 1 yung tinalo namin.Happy ako sa import namin. Talagang nag step up si Williams at Wowie Escosio. Ayaw magpatalo, lalo yung locals namin.

Lahat nag contribute sa panalo. Sobrang team effort,” sabi ni Martinez, na naaalala din sa kanyang paglalaro sa San BedaCollege at University of the East.

Kahit si coach Ronald Mojica, pag nakikita nya yun nagkakamali, magadjust siya agad. Mahirap din talaga mag playing coach.”

“Na-hospital yung isang import namin si Ray Miller. Para sa kanya yunggame namin na ito. Nag rerecover pa siya ngayon dahil sobra dehydrated nung game 1,” dagdag pa ni Martinez, na ang koponan ay sinusuportahan ng Sprinto Shades, na kanilang official eyewear; Winzir at MEBL Apparel.

Sinabi ni Martinez na mas malaking hamon ang haharapin ng Waves sa finals “No. 2 team (Ban Bueng Devil Rays) ang makakalaban namin. Siguro totalteam effort pa din ang kailangan namin, lalo na nag dagdag sila ngimport na magaling din. Yun ang kailangan namin ma-stop. Mag celebratekami ngayon ng panalo tapos start na kami agad ng ensayo sa Tuesday.”

Pinangunahan ni Takamin Sirijariyaporn ang Bangkok Tigers na may 22puntos habang sina Gabriel Bertrand Yeumo at Peerachet Supsudawong ay may16 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Mga iskors:

Phuket Waves (91) – Williams 37, Escosio 19, Martinez 14, Saeming 14,Inmaphan 7, Jaibunjerd 0, Saema 0, Seangsuriya 0, Chaisuttimetheekul 0
Bangkok Tigers (79) – Sirijariyaporn 22, Yeumo 16, Supsudawong 12,Narbonne 8, Tipkanok 7, Sripreaviang 6, Boateng 2, Hazelbaker 0,Buarung 0, Kethorm 0.
Quarterscores: 19-13, 40-40, 61-63, 91-79.