Villanueva

Tapyas sa MAIP budget bubusisiin ng Senado

148 Views

BUBUSISIIN ng Senado sa mga susunod na pagdinig para sa 2024 National Budget na tumatayang P5.768 Trillion ngunit malaking tapyas naman ang ginawa sa Department Health na sinasabing bumaba sa P10 billion mula sa P32.6 billion sa 2023 na ibinagsak naman ng P22.2 billion sa 2024.

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, naka aalarma ito lalot kung totoong tinapyasan ang budget para sa MAIP o Medical Assistance to Indigent Patients.

“This is definitely alarming. We will look into this and raise this issue in the budget hearing of the DOH,” pagtiyak ni Villanueva.

Ang MAIP na programa ng gobyerno ang siyang tumutulong sa mga mahihirap nating kababayan na humihingi ng medical na ayuda tulad ng gamot, mga pangangailangan sa ospital ng sinumang maysakit sa tulong ng DOH kaakibat ang opisyal ng endorso ng mga doktor sa ibat ibang pampublikong pagamutan.

Ikinabahala din ito ng Senador Jose Victor Ejercito ang pagtapyas na ito lalot aniya sa panahon na ito kung saan ay napakaraming maysakit na kababayan natin ang humihingi ng tulong sa ating gobyerno.

Sinang ayunan naman siya ni Sen. Risa Hontiveros na nagsabing hindi pa naman tapos ang pandemya at nasa gitna pa rin aniya ng krisis ang maraming Pilipino na hirap pa rin bumangon mula sa trahedya ng pandemya.

“Wala pa rin po tayo sa normal na sitwasyon at ang marami nating kababayan ay talagang gipit pa rin sa kasalukuyan lalot mahal ang magkasakit.” ani Hontiveros.

Ayon naman kay Sen. Grace Poe, imbes na tapyas sa budget ng MAIP ay dapat bigyan ng pansin ang kalusugan ng ating mga mahihirap na kababayan.

“We will examine carefully the DOH budget when it reaches the Senate. We need to address and help instead of slashing the budget for DOH,” giit ni Poe.

Gayundin ang sinabi si Sen. Francis Tolentino at Sen. Ronaldo Bato dela Rosa na nagpahayag ng pagka dismaya sakaling bawasan umano ang budget ng MAIP na tumutugon sa medikal na serbisyo ng mahihirap nating kababayan.

“We will scrunitize everything,” ani Tolentino.

Sinabi naman ni Sen. dela Rosa na gusto niyang marinig ang dahilan bakit kailangan bawasan ang budget ng DOH .

Para naman kay Sen. Edgardo Sonny Angara, kumpiyansa siyang mahihilot pa ang budget ng DOH para sa kapakanan ng mahihirap nating kababayan.

“I am confident that this will increase because historically both Houses usually prioritize programs for MAIP which will benefit poor Filipinos,” paliwanag ni Angara.

Samantala, kumpiyansa naman ang Senado na makakahabol sila sa budget sa plenaryo sa darating ng buwan ng Nobyembre 2023.

Ayon said Department of Budget, seryoso ang kasulukuyan administrasyon na pagtuunan ng pansin ang pag akyat ng bansa sa pamamagitan ng ibat ibang programa upang maabot ang tinatawag na high-growth trajectory.

Sinabi pa ni DBM na pagtutuunan aniya ng matinding pansin ang kalusugan, edukasyon, social security welfare ng nakararami at gayundin ang public works, transportasyon, social welfare, agriculture, judiciary at labor and employment.

Inilatag din ng DBM ang kanilang panukalang budget para sa edukasyon na tumatayang P924.7 billion; Public Works na may panukalang P822.2 billion; Pangkalusugan o Health na may panukalang budget na P306.1 billion; Interior and Local Government na may panukalang budget na P259.5 billion; Labor and Employment-P40.5 billion; Judiciary na may panukalang P57.8 billion; Agrikultura na may P181. 4 billion; Transportasyon na may panukalang P214.3 billion at Social Welfare na may panukalang P209.9 billion.