BBM1

Price ceiling sa bigas inaprubahan ni PBBM

174 Views

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon na magtake ang price ceiling sa bigas sa buong bansa upang matiyak na resonable ang presyo nito.

Inilabas ng Malacañang ang Executive Order 39 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Agosto 31 kung saan nakasaad ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade of Industry (DTI) para sa pagtatakda ng price ceiling.

Sa ilalim ng EO 39 ang price ceiling ng regular milled na bigas ay P41 kada kilo samantalang ang price ceiling para sa well-milled rice ay P45 kada kilo.

“The mandated price ceilings shall remain in full force and effect unless lifted by the President upon the recommendation of the Price Coordinating Council or the DA and the DTI,” sabi sa EO.

Ito ay kasunod ng isinagawang sectoral meeting noong Agosto 29 kung saan tinalakay ang mga estado ng mga inisyatiba ng gobyerno upang mapababa ang presyo ng bigas.

Sa nasabing pagpupulong ay iniulat ng DA na ang projected rice supply sa ikalawang semestre ng taon ay 10.15 milyong metriko tonelada (MMT) na binubuo ng 2.53 MMT na natira mula sa unang semestre ng taon, 7.20 MMT na inaasahang ani ng mga lokal na magsasaka at 0.41 MMT na imported na bigas.

Ang projected demand naman ay 7.76 MMT kaya may matitirang 2.39 MMT na sapat para sa 64 araw.