Martin2

Oil firm execs planong imbitahan ng Kamara

Mar Rodriguez Sep 12, 2023
139 Views

Sa gitna ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo

SA gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, plano ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na imbitahan ang mga opisyal ng mga kompanya ng langis upang maibsan ang paghihirap ng mga motorista.

“The government is not insensitive to the sentiments of our people, especially since this carries a domino effect on all products in the market,” ani Speaker Romualdez. “We all know that once the prices of oil rise, everything else shoots up – except the wages and salaries of our workers.”

Ayon kay Speaker Romualdez, lider ng 311 miyembro ng Kamara at pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) ang mataas na presyo ng produktong petrolyo ay itinutulak ng pagtaas nito sa pandaigdigang pamilihan. Tali rin umano ang kamay ng gobyerno dahil sa Oil Deregulation Law.

Pero ipinunto ni Speaker Romualdez na ang ibinebenta ng mga kompanya ng langis ngayon sa bansa ay hindi pa ang kanilang nabili sa mataas na presyo.

“It is common knowledge that oil companies still sell supplies bought at lower prices before the costs of crude oil in the world market increased. Baka pwede nating mapakiusapan sila na wag na munang magtaas ng presyo,” sabi ni Speaker Romualdez.

“This is one of our problems, the Oil Deregulation Law that contributed to the high prices of petroleum. It ties our hands,” sabi pa ng kinatawan ng Leyte. “We don’t want to impose on them (oil firms), but we also want to know if they can help alleviate our suffering.”

“We want to hear from them what can they do to help in this kind of situation, and if indeed they are willing to help at all because these oil price hikes have been a burden to our kababayans,” sabi pa ng lider ng Kamara.

Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na maibsan ang mabigat na pasanin ng publiko.

“I think it would be better if we help each other soften the impact of these oil price increases because we want these products to be affordable. People have been bearing the brunt of this situation for a long time now,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Sisilipin umano ng Kamara ang mga nakabinbing panukala na naglalayong amyendahan ang Oil Deregulation Law upang malaman kung ano ang mga hakbang na maaaring gawin upang mapababa ang presyo ng produktong petrolyo.