Canada Canada: Bronze medalist sa FIBA World Cup 2023. FIBA photo

Canada inagaw ang FIBA World Cup bronze sa USA

Robert Andaya Sep 12, 2023
329 Views

ANG Canada — hindi ang United States — ang mag-uuwi ng bronze medal sa FIBA World Cup 2023.

Nagpakitang gilas ang kapwa NBA veterans na sina Dillon Brooks at Shai Gilgeous-Alexander upang gabayan ang Canada sa hindi malilimutang 127-118 panalo laban sa United States sa overtime sa Mall of Asia Arena in Pasay City.

Umiskor si Brooks ng 39 points, kabilang ang pitong three-point shots, habang nag-ambag si Gilgeous-Alexander ng 31 points, 12 assists at six rebounds para sa makasaysayang panalo ng Canada laban sa United States sa harap ng 10,666 fans.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makapag-uuwi ang Canada ng nronze medal mula FIBA World Cup.

At ito naman ang ika-dalawang pagkakataon na nabigo ang United States na makasungkit ng kahit anong medalya gaya nung 2019 edition sa China na kung saan pumang-pito lamang sila.

Walang ibang dahilan kundi sina Brooks, na itinuturing na “Most Valuable Villain” simula pa lamang ng 32-nation competition, at Gilgeous-Alexander, na nagpamalas ng kakaibang sigla mula simula hanggang matapos para sa Canada.

“This team was amazing, special. It’s the beginning of something that’s going to last for a long time,” said Canada coach Jordi Fernandez.

Bukod kina Brooks at Gilgeous-Alexander, nagpasiklab din sina RJ Barrett, na may 23 points, at Luguentz Dort at Kelly Olynyk, na kapwa may tig 11 points para sa Canada, na natalo sa United States sa kanilang unang pitong laro sa World Cup.

Nanguna naman sina Minnesota Timberwolves guard Anthony Edwards at Los Angekes Lakers star Austin Reaves para sa United States, na nabigong makakuha ng medalya sa ika pitong pagkakataon sa 38 appearances sa Olympic at World Cup.

Si Edwards ay gumawa ng 24 points sa 9-of-20 shooting, five rebounds at three steals sa 37 minutes, habang si Reaves ay nag-ambag ng 23 points sa 7-of-14 shooting sa 33 minutes.

Apat pang players para sa Steve Kerr-mentored American team ang umiskor ng double figures — Mikal Bridges (19 points), Bobby Portis Jr. (14) Jalen Brunson (13) at Josh Hart (10).

Samantala, dinaig ng Latvia ang Lithuanua, 98-63, para masungkit ang ika-limang pwesto.

Nagbida si Artur Zagars sa kanyang all-time single-game record na 17 assists para pangunahan ang Latvia.

Binura ng 23-year-old guard mula Riga, Latvia ang dating record na 15 assists na hawak nina Toni Kukok ng Croatia at Carlik Jones ng South Sudan.

The scores:

Battle for 5th

Latvia (98) – A. Kurucs 20, Smits 17, Grazulis 12, R. Kurucs 11, Strautins 8, Cavars 8, Zoriks 6, Bertans5, Pasecniks 4, Zagars 4, Skele 3
Lithuania (63) – Jokubaitis 16, Valanciunas 15, Dimsa 13, Sirvydis 6, Brazdeikis 5, Motiejunas 4, Normantas 2, Sedekerskis 2, Kuzminskas 0, Maldunas 0
Quarterscores: 28-20, 49-38, 77-47, 98-63.

Battle for 3rd

Canada (127) — Brooks 39, Gilgeous-Alexander 31, Barrett 23, Dort 11, Olynyk 11, Alexander-Walker 5, Powell 4, Ejim 3, Edey 0, Scrubb 0.
United States (118) – Edwards 24, Reaves 23, Bridges 19, Portis Jr. 14, Brunson 13, Hart 10, Haliburton 6, Kessler 6, Johnson 3.
Quarterscores: 34-25, 58-56, 91-82, 111-111, 127-118.