Calendar
Mas mabigat na parusa hirit ng LTO vs road rage suspects
PLANO ng Land Transportation Office (LTO) na hilingin sa Kongreso na gumawa ng partikular na batas para sa mga indibidwal na sangkot sa insidente ng road rage.
Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza II na sa ilalim ng kasalukuyang batas ay hanggang apat na taon lamang ang maaaring ipataw na suspensyon ng ahensya sa lisensya sa pagmamaneho ng isang nasangkot sa road rage.
Ang apat na taong suspensyon ay ipapataw kung mayroong namatay o nasaktan.
Ayon kay Mendoza plano ng LTO na lumikha ng depinisyon ang road rage para sa hihilingin nitong batas upang madali itong maipatupad.
Isa rin umanong ikinokonsidera ng LTO ay kung gagawing requirement sa mga kumukuha ng lisensya kung ito ay nagmamay-ari ng baril o hindi.
Kamakailan ay nag-viral sa social media ang nangyaring road rage sa Quezon City at Valenzuela City.