Calendar
Valeriano iminungkahi sa PNP na rebyuhin naisyuhan ng gun license
“DAPAT magkaroon ng masusing screening para sa mga taong nag-a-apply ng lisensiya para makapag-dala sila ng baril upang hindi makalusot ang mga taong maiinitin ang ulo at topakin”.
Bunsod nito, iminumungkahi ng Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na (PNP) na bumuo ng isang “task force” na magre-repaso sa lahat ng mga taong nabigyan ng lisensiya para magdala ng baril.
Binigyang diin ni Valeriano na napaka-halagang magkaroon ng masusing pagre-review sa lahat ng mga taong naisyuhan ng “permit to carry” para malaman kung karapat-dapat pa ba silang bigyan ng panibagong lisensiya o renewal kasunod ng sunod-sunod na kaso ng “road rage” sa bansa.
Ang naging reaction ng kongresista ay kasunod ng panibagong insidente ng road rage makaraang mag-viral ang pagkasa at panunutok ng baril ng negosyanteng si Marlon Malabute sa taxi driver na si Henry Ong, Jr. matapos silang magka-gitgitan o magka-sagian sa isang masikip na kalsada sa Valenzuela City.
Binigyang diin ni Valeriano na bunsod ng sunod-sunod na kaso ng road rage. Dapat mas maging mahigpit na ang screening ng PNP para sa mga aplikante ng permit to carry upang masala ang mga karapat-dapat bigyan ng PTC at maiwsang maisyuhan ang mga taong maiinitin ang ulo at mayroong topak.
“There must be a task force reviewing kung lahat ng nabigyan ng lisensiya ay karapt-dapat pang isyuhan ng panibagong license. In the renewal of firearms the PNP must cautiously screen them, There has to be a rather scientifically updated kindo of neuro test purposely for owning and possessing firearms,” sabi ni Valeriano.
Sinabi din ni Valeriano na napakahalaga din na magkaroon ng isang tunay na “test of character” para sa mga aplikante para malaman kung karapat-dapat ba silang bigyan ng lisensiya para hindi aniya makalusot ang mga may topak na agad ikinakasa at itinututok ang kanilang baril sa kanilang naka-alitan.