Acidre

Tingog partylist nakiisa sa pagbubukas ng Change Maker 2040 Museum

321 Views

DUMALO si Tingog Partylist’s Rep. Jude A. Acidre sa pagbubukas ng Change Maker 2040, ang kauna-unahang Sustainable Development Goal Museum sa bansa.

Pinuri ni Rep. Acidre ang mga nasa likod ng museo na matatagpuan sa 88 Square Mall, Brgy. Dionisio, Parañaque City.

“I admire the Philippine Amusement and Entertainment Corporation, and their president, my good friend, Lawrence Li Tan for launching yet another revolutionary museum in the country, the only one which advances the United Nations 17 Sustainable Development Goals,” ani Rep. Acidre.

Makikita umano sa museo ang iba’t ibang paraan upang mabawasan ang carbon footprint sa mundo kasabay ng pagrespeto sa anumang uri ng buhay sa daigdig.

Ang museo ay bukas na sa publiko at naglalayong hikayatin ang bawat isa na pangalagaan ang mundo.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Parañaque Mayor Eric Olivarez, Philippine Red Cross Secretary General Gwendolyn Pang, at Pocholo de Leon of Creativoices.