Calendar
Bawas sa workload ng mga guro ipinagbunyi
IKINALULUGOD ng Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang naging hakbang ng Department of Education (DepEd) na bawasan ang “workload” ng mga teachers bilang regalo sa kanila ngayong “National Teachers’ Month”.
Dahil dito, pinasalamatan ni Romero si Vice President at DepEd Sec. Inday Sara Duterte patungkol sa kaniyang pagkilos na itinuturing nitong napapanahon dahil kasabay nito ang pagdiriwang ng National Teachers Month bilang pagkilala sa sakripisyo at pagsisikap ng mga guro.
Nauan rito, inihayag ni Duterte na makakamit ng mga guro mula sa pribado at pang-publikong paaralan ang 30-day break pagkatapos ng school year kabilang na dito ang pagbabawas sa administrative task mula 56 tungo sa 11.
Ipinahayag ni Romero na labis nitong ikinagagalak ang pagsisikap at pagiging masigasig ng DepEd upang humanap ng mga paraan para maibsan ang pasang responsibilidad ng mga guro.
Naniniwala ang kongresista na hindi dito natatapos ang pagpupunyagi at pagsisikap ng DepEd sa pangunguna ni VP Sara Duterte para mapangalagaan ang interes at kagalingan o welfare ng mga teachers.
Tiniyak din ni Romero na bilang mambabatas, sisikapin nila sa Kamara de Representantes na magkaroon ng mga makabuluhang panukalang batas na mangangalaga sa kapakanan ng mga guro.
Sent from Yahoo Mail on Android