Martin1

Mabigat na parusa sa agri smugglers pasado sa Kamara sa 2nd pagbasa

Mar Rodriguez Sep 26, 2023
204 Views

PASADO na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes ang pagpapalawig ng Anti-Agricultural Smuggling Law upang gawing habambuhay na pagkakakulong ang parusa laban sa mga smuggler, hoarders, at price manipulators ng produktong agrikultura.

Inaprubahan ng Kamara na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang panukalang mag-aamyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Law.

“This is because we want to send a chilling effect on these cartels that have been operating for decades now. We really mean business this time. And our primary task here is to protect the welfare of the masses – provide them with the most affordable goods in the market,” ani Speaker Romualdez.

Sa ilalim ng panukala, ang smuggling ng bigas at iba pang produktong agrikultural ay ituturing na “economic sabotage.”

“President Marcos – as Chief Executive and secretary of agriculture – fully appreciates the adverse impact of the smuggling of rice and other staples on farmers, fisherfolk and on consumers. We share his concern for the affected sectors,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Inendorso ng House Committee on Agriculture and Food na pinamumunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga sa Kamara na aprubahan ang panukala sa sesyon noong Setyembre 20.

Noong nakaraang linggo ay tiniyak ni Speake Romualdez na tatapusin ng Kamara ang lahat ng 20 panukala na prayoridad na maisabatas ng Legislative-Executive Development Advisory Council bago mag-adjourn ang sesyon ng Kongreso sa Setyembre 30, o tatlong buwan na mas maaga sa target na tapusin ito sa Disyembre.

Sinabi ni Speaker Romualdez na makatutulong ang panukala upang maproteksyunan ang mga lokal na magsasaka laban sa mga smuggler, hoarder at price manipulator na nagpapababa sa presyo ng kanilang ani pero ibinebenta ito ng mahal sa mga mamimili.

“We have to shield them from these atrocious activities to encourage them to produce more rice and other staples so the country can attain food sufficiency,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Makatutulong din umano ang panukala upang maging stable ang presyo ng mga bilihin.

“We have to work on and pass this measure as expeditiously as we can,” dagdag pa ng lider ng Kamara.