PAGASA

Paglakas ng bagyong Jenny inaasahan ng PAGASA

157 Views

INAASAHAN ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na lalo pang lalakas ang bagyong Jenny sa paglapit nito sa kalupaan ng bansa.

Ayon sa PAGASA palalakasin ng bagyo ang Hanging Habagat na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

”Tropical Depression Jenny is not directly affecting the country. However, considering the proximity of the tropical cyclone to land from the forecast track, this may result in heavy rainfall over Batanes and Babuyan Islands in the next five days,” sabi ng PAGASA.

“’The Southwest Monsoon may be enhanced by this tropical cyclone beginning on Sunday, resulting in possible occasional rains over the western portions of Central and Southern Luzon,” sabi pa ng advisory na inilabas ng ahensya.

Sa pagtataya ng PAGASA alas-4 ng hapon, ang bagyo ay may hangin na umaabot ang bilis sa 45 kilometro bawat oras at pagbugsong hanggang 55 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras.