Valeriano

“Malaya Rice Project” ng Kamara ikinagalak ni Valeriano

Mar Rodriguez Oct 8, 2023
626 Views

IKINAGALAK ng Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano ang ikakasang plano ng Kamara de Representantes patungkol sa pamamahagi ng “Malaya Rice Project” para sa mga Pilipinong indigent sa National Capitol Region (NCR).

Naniniwala si Valeriano na malaki ang maitutulong nito para matulungan ang libo-libong mahihirap na mamamayan sa NCR.

Pinasalamatan din ni Valeriano si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez dahil sa pagpapasimula ng “Malaya Rice Project” na magbibigay ng malaking ginhawa para sa mga mahihirap na mamamayan.

Tiniyak ni Valeriano na agad niyang isusumite ang listahan ng 10,000 indigent sa kaniyang distrito para makakuha sila ng libreng bigas. Kabilang na dito ang P1,500 financial assistance para sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nauna rito, ipinahayag ni Speaker Romualdez na magsisilbing “pilot program” ng nasabing proyekto ang tatlong-put-tatlong (33) Congressional Districts sa NCR. Kabilang na dito ang Distrito ni Valeriano.

“Nagpapasalamat tayo kay Speaker Romualdez dahil sa pamamagitan ng proyektong ito. Malaki ang maitutulong nito para sa ating mga ka-distrito lalo na ang mga mahihirap na mamamayan ng Tondo,” ayon kay Valeriano.