Tingog

Office of the Speaker, Tingog party-list at QC solons nagpaabot ng tulong sa QC folk

Mar Rodriguez Oct 8, 2023
143 Views

SA pagsisikap na makapagbigay ng tulong sa mga mahihirap, nagsagawa ng offsite payout ang mga tangapan ng Speaker, Tingog party-list at mga kongresistsa para sa mga residente ng Districts 1 at 3 ng Quezon City sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pinangunahan ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Partylist Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre ang naturang inisyatiba, kasama sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Quezon City Reps. Arjo Ataydenng Unang Distritio at Franz Pumaren ng ikatlong distrito para maabutan ng tulong ang mga indibidwal at pamilyang nangangailangan.

Kabilang sa naipaabot na mga tulong ang medikal, libing, transportasyon, edukasyon, pagkain, at support services sa pamamagitan ng pinanyal na ayuda at guarantee letters.

Ang mga nakatanggap naman ng tulong ang indigent, vulnerable, disadvantaged at informal na mga sektor at iba pa na nahaharap sa krisis.

“Totoong nagtatrabaho po tayo, at napatunayan natin ‘yan sa ating track record, dahil number 1 partylist po ang Tingog pagdating sa pagbibigay ng serbisyo. Ramdam na ramdam po namin ang inyong pagmamahal, kaya gusto po namin itong suklian,” saad ni Rep. Yedda na nangakong magtutuloy-tuloy ang programa.

“Hindi po kami mapapagod na magbigay ng tulong at maglingkod sa abot ng aming makakaya,” sabi naman ni Rep. Acidre.

Matapos ang AICS payout sinundan ito ng Tingog Family Day at Serbisyo Fair kung saan nagkaroon ng medical mission katulad ng teleconsult, laboratory/diagnostics, x-ray, ECG, medicines, at eye consult na may libreng eyeglasses.

Nakilahok din ang ilang ahensya ng pamahalaan kagaya ng Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Foreign Affairs (DFA), at National Bureau of Investigation (NBI).

Nagtapos ang programa sa pagtitipon ng mga pamilya sa Circle of Joy para bigyang pagkakataon ang mga mag-anak na makapamasyal at maglibang.