Calendar
OVP, DepEd, 3 pang ahensya ‘zero’ confidential fund sa 2024
INALISAN ng small committee ng Kamara de Representantes ng confidential fund ang Office of the Vice President at Departments of Education (DepEd), Information and Communications Technology (DICT), Agriculture (DA), at Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa lider ng small committee at chairman ng House Committee on Appropriations na si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang kabuuang P1.23 bilyong confidential fund na inalis ay ililipat sa mga ahensya na nagbibigay ng seguridad sa West Philippine Sea (WPS).
Gaya ng mga nakaraang taon, wala ring confidential fund ang Kamara.
Batay sa rekomendasyon ng small committee bahagi ng P1.23 bilyon inalis sa mga nabanggit na ahensya ay ililipat sa mga sumusunod:
– P300 milyon para sa r National Intelligence Coordinating Agency (NICA);
– P100 milyon para sa National Security Council (NSC);
– P200 milyon sa Philippine Coast Guard (PCG) para sa intelligence activities at ammunition; at
– P381.8 milyon sa Department of Transportation (DOTr) para sa pagpapaganda ng Pag-asa Island Airport.
Samantala, sa halip na confidential funds, ang mga susunod na ahensya ay binigyan ng Maintenance and Other Opera1ng Expenses (MOOE)
– P30 milyon para sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR);
– P25 milyon sa DICT;
– P30 milyon sa DFA;
– P50 milyon sa Office of the Ombudsman; at
– P150 milyon sa Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) ng DepEd.
“Responding to the call of the times and the volatile situation in the West Philippine Sea, the small committee– as mandated by the House Plenary – has decided to realign CIFs to agencies whose principal mandate is to gather intelligence and ensure the protection of our national sovereignty,” sabi ni Co.
“We considered the mandate of the agencies since confidential funds are intended for surveillance activities in the performance of the agency’s principal functions. We also looked at the previous year’s budget and utilization levels before coming up with a decision,” sabi naman ni House committee on appropriations senior vice chairperson at Marikina City Rep. Stella A. Quimbo.
Bukod sa confidential fund, sinabi ni Co na mayroong mas malaking pondo sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP) na ini-realign ng Kamara na umaabot sa kabuuang halagang P194 bilyon.
Ang realignment ay para umano matugunan ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
– P20 bilyon sa DA para sa rice subsidy program upang mapababa ang presyo ng bigas
– P40 bilyon sa National Irrigation Administration (NIA) upang makapagtayo ng mga solar-driven irrigation pumps at subsidize communal irrigation;
– P2 bilyon sa Philippine Coconut Authority para sa pagtatanim ng mga bagong seedlings
– P1.5 bilyon na pambili ng bakuna laban sa African Swine Fever (ASF)
– P1 bilyon sa Philippine Fisheries Development Authority para sa pagtatayo ng fishery at post-harvest facility sa Palawan at Kalayaan Group of Islands;
Naglaan din ng dagdag na pondo para matulungan ang mga mahihirap na Pilipino:
– P43.9 bilyon sa DOH para sa Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP); legacy at specialty hospitals; cancer assistance; communicable diseases program; at health facility enhancement;
– P1 bilyon sa UP Philippine General Hospital para sa MAIP;
– P35 bilyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) at Sustainable Livelihood Program;
– P17.5 bilyon sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa TUPAD program o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers/Government Internship Program;
– P10.4 bilyon para sa DOLE-Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Training for Work Scholarship Program; at
– P17.1 bilyon para sa Commission on Higher Education’s CHED) Tertiary Education Subsidy and Tulong Dunong Program.