Villafuerte

Villafuerte nanawagan sa publiko na iwasan mapanirang uri ng pamumulitika

Mar Rodriguez Oct 12, 2023
216 Views

IKINALUNGKOT ni Camarines Sur Representative at National Unity Party (NUP) President LRay Villafuerte ang pagsusulong ng ilang sektor ng mapanirang uri ng pamumulitika na umaagaw sa atensyon na dapat ituon ng gobyerno sa problema ng bansa gaya ang mataas na presyo ng produktong petrolyo at ang epekto nito sa ekonomiya.

“Oil prices have begun to spike as a result of the ongoing Israel-Hamas conflict. The government needs to be prepared for the possible fallout resulting from this. The last thing we need right now is for crass, divisive politics distracting us from the possible problems that could arise from this brewing crisis,” ani Villafuerte.

Nanawagan si Villafuerte sa mga nasa likod ng pinakamababang uri ng pamumulitika na tumigil na at sa halip ay tumulong na lamang sa paghahanap ng solusyon na makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya.

“Sa halip na gumawa ng mga imbentong kwento, magtulungan na lang tayo. Lahat naman tayo ay apektado dito. Tapos na ang panahon ng mga siraan, mga alegasyon na walang basehan at haka-haka lamang. Pagkakaisa ang tamang paraan para malunasan natin ang mga problemang kinakaharap ng ating bansa,” sabi ni Villafuerte.

Sinabi ni Villafuerte na mayroong mga bahay na hindi kontrolado ng gobyerno na siyang nagpapataas sa presyo ng produktong petrolyo na nagtutulak naman ng pagtaas sa presyo ng iba pang bilihin.

Ayon kay Villafuerte nakita nito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagiging matibay, matatag na pagdedesisyon, at mabilis na pag-aksyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa.

Isa umano rito ang desisyon ng Pangulo na ipamigay ang mga smuggled na bigas sa mga mahihirap na pamilya upang mawalan na ng pagkakataon ang mga smuggler na mabawi ang mga nakumpiskang bigas.

Naging mabilis din umano ang aksyon upang agad na masampahan ng kaso ang mga smuggler at ang pag-alis ng price ceiling sa bigas matapos na humupa na nag presyo ng bigas, ayon kay Villafuerte.

Ayon kay Villafuerte ang unity strategy ng Pangulo ay nagresulta sa pagkakaroon ng Gabinete nito ng mga de kalibreng opisyal na hindi matatawaran ang mataas na kuwalipikasyon.

“The President has shown that he will place the country’s interests first and that he is ready to work with all sectors to fulfill his agenda of elevating the quality of life of every Filipino,” sabi ni Villafuerte.

“But despite this, the President has already been unfairly pummeled, barely one-and-a-half years into his term, by irresponsible quarters whose primary goal is to protect their political interests.

This behavior is repugnant and should be rejected by all Filipinos who aspire for true unity and prosperity for our country,” dagdag pa ni Villafuerte.