Fernandez

Pagwasak sa iligal na droga huling yugto ng bloodless drug war—Rep Fernandez

Mar Rodriguez Oct 25, 2023
119 Views

PARA kay Santa Rosa City Lone District Rep. Dan S. Fernandez ang pagwasak sa nakumpiskang iligal na droga ang huling yugto ng epektibong bloodless war on drugs campaign ng gobyerno.

“Getting rid of the illegal drugs that we confiscate from the streets means that these substances will no longer harm Filipinos. On top of this, the producers and pushers of these drugs will never recover their losses. This is what we want to achieve in the drug war and so far we have been hitting our mark during the Marcos administration,” ani Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety.

Inatasan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Fernandez na magsagawa ng pagdinig upang makalikha ng mga bagong batas na makatutulong sa hindi madugong kampanya ng Marcos administration laban sa ipinagbabawal na gamot.

“President Marcos has demonstrated that a bloodless campaign against illegal drugs can be an effective one. Basta sama-sama dito ang law enforcers, kami sa lehislatura bilang oversight, at syempre ang taumbayan,” sabi ni Fernandez.

“We will have more successes in this campaign for sure,” dagdag pa nito.

Kamakailan ay iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na bumaba ng 52 porsyento ang bilang ng mga nasawi sa kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot mula ng manungkulan si Pangulong Marcos.

Ayon sa PDEA 19 lamang ang naitalang nasawi sa war on drugs mula Hulyo 2022 hanggang Setyembre 2023 malayo sa 40 nasawi mula 2020 hanggang 2021.

Pinuri rin ni Fernandez ang administrasyong Marcos matapos itong makakumpiska ng mahigit 4.4 tonelada ng shabu mula noong Hulyo 1, 2022. Nagkakahalaga ito ng P30 bilyon.

Sinabi ng mambabatas na makakaasa ang administrasyong Marcos na ang kanyang komite ay makakatuwang nito sa bloodless war on drugs.

Noong Biyernes, Oktobre 20, si Fernandez kasama ang iba pang mambabatas ay naging saksi sa pagsunog ng PDEA ng tinatayang P6 bilyong halaga ng iligal na droga sa Trece Martires City, Cavite.

Kasama sa sinira ang 274 kilo ng shabu na nasamsam sa Manila International Container Port noong Oktobre 6 at ang 208 kilo ng shabu extender na narekober sa Mabalacat City noong Agosto.

Ayon kay Fernandez naipakita sa nakaraang pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers, sa utos ni Speaker Romualdez ang mga hakbang na ginagawa ng PDEA at iba pang anti-narcotics operative at ang pagiging seryoso ng administrasyon na matuldukan ang problema.

“This war will be easier won if we tackle it in multiple fronts. Our Speaker, Martin Romualdez, knows this fully well. Whole of government approach po tayo dito. One agency need not force the issue in addressing the drug war since this administration doesn’t view force as the only solution,” dagdag pa ni Fernandez.