Jude Acidre

Tingog Party List kinilala pamumuno ni Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Oct 26, 2023
196 Views

KINILALA ni House Deputy Majority Leader at Tingog Party List Rep. Jude Acidre ang matatag na pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na nagbigay-daan sa pagkakaroon ng mahusay na performance ng Kamara de Representantes.

“Speaker Martin Romualdez’ strong leadership has made it so for the House of Representatives, making the lower chamber a true House of the People,” ani Acidre.

Ayon sa Acidre sa ilalim ng pamumuno ni Romualdez ay naabot ng Kamara ang pinakamataas na performance at confidence rating nito. Naitala rin umano ni Romualdez ang pinakamataas na performance rating na nakuha ng isang Speaker.

“In a little more than a year, the House under Speaker Romualdez has passed and approved on third reading almost all of the priority legislative measures indicated by the Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC),” sabi ni Acidre.

Bukod sa paggawa ng batas, sinabi ni Acidre na nagtatrabaho rin ang Kamara upang matulungan ang mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap.

“Our legislative performance, coupled with our social service programs, confirms that this Congress is one of the most productive and hardworking ever in the country’s recent political history,” dagdag pa ni Acidre.

Suportado rin ng mambabatas ang naging desisyon ng Kamara na ilipat ang confidential funds ng mga civilian agency sa mga security agency ng gobyerno na ang pangunahing mandato ay pangalagaan ang kaayusan at panatilihin ang kapayapaan sa bansa.

“Congress, in the exercise of its power of the purse, has chosen to do the right thing by realigning confidential funds to agencies whose primary mandate relate to military intelligence and security, especially in the West Philippine Sea (WPS),” dagdag pa nito.

Sinabi rin ng mambabatas na mismong ang Commission on Audit (COA) na ang nagpasinungaling sa mga alegasyon na mayroong iregularidad sa paggamit ng Kamara ng pondo nito.

“The Commission on Audit has already certified that there has been no incident of fund misuse in the House of Representatives. Quoting the official statement of the House Secretary-General, ‘Ibig pong sabihin, pasado kami sa COA audit,” saad pa ni Acidre.

“Instead, the House has posted a budget surplus of ₱4.69 billion in its 2022 allocations, an increase of ₱2.05 billion, or around 78%, compared with the excess funds in 2021 of ₱2.64 billion based on official COA reports,” wika pa nito.

Ayon kay Acidre nagawa ni Speaker Romualdez na pagsama-samahin ang supermajority ng Kamara upang makapagtrabaho at makapagbigay ng suporta sa mga kailangang tulong ng administrasyon upang mapabuti ang kalagayan ng bansa.