Gonzales

Mataas na rating ni Speaker Romualdez iniugnay sa paglipat ng confidential funds

Mar Rodriguez Oct 30, 2023
321 Views

INIUGNAY ng isang mambabatas ang mataas na survey rating na nakuha ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa ginawang paglipat ng Kamara de Representantes sa confidential funds ng mga civilian agency patungo sa mga ahensya na ang mandato ay proteksyunan ang bansa.

Ayon kay Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ginawa ang third quarter survey ng Octa Reseach mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4 o panahon kung kailan nagdesisyon ang Kamara na ilipat ang confidential funds ng mga civilian agency.

“The Octa Research 2023 third quarter survey was conducted between Sept. 30 and Oct. 4. That’s when the controversy around the House decision to reallocate CIFs from civilian offices to agencies having to do with national security was brewing,” ani Gonzales.

Naniniwala si Gonzales na alam ng publiko ang naturang isyu dahil laman ito hindi lamang ng mainstream media kundi maging ng social media.

“They agreed with the House decision as reflected in the significant increase in the levels of their trust and their approval of the performance of our leader, Speaker Romualdez,” sabi ni Gonzales.

“That’s one way of looking at the survey numbers. Another way is the public is largely supportive of the all-out help our Speaker and the House in general have been extending to our President in making life better for our people,” dagdag pa ng kongresista.

Naniniwala si Gonzales na kinikilala ng publiko ang mga nagawa ng Kamara gaya ng paglaban sa mataas na presyo ng bilihin, iligal na droga, at mga naipasa nitong panukala na pakikinabangan ng mga Pilipino.

“Even multilateral lenders acknowledge the efforts of the House to keep the economy on the high growth path. They are upbeat about our progress,” saad pa ni Gonzales.

Nagpasalamat din si Gonzales sa pagsuporta ng publiko kay Speaker Romualdez at sa Kamara.

“I have known the Speaker up close and personal. He is a close friend and colleague. He works hard, and these numbers will inspire him to work even harder for our people, our President and the nation,” dagdag pa ng kongresista.

Sa third quarter survey ng Octa ay nakakuha si Speaker Romualdez ng 60% trust rating at 61% satisfaction rating na parehong mas mataas ng 6% sa nakuha nito sa second quarter survey.