Martin

Speaker Romualdez itinataguyod mabuting pakikipagkapwa ng Kamara sa mga Pilipino – Rep. Mastura

Mar Rodriguez Nov 2, 2023
175 Views

NAITAGUYOD ng Kamara de Representantes sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mabuting pakikipagkapwa sa mga Pilipino, ayon kay Maguindanao del Norte Rep. Bai Dimple Mastura.

Patunay dito ang magandang resulta ng pinakahuling survey ng OCTA Research kung saan tumaas ang trust at performance rating na nakuha ni Speaker Romualdez.

“The trajectory of Speaker Romualdez’s ratings showed that Filipinos are recognizing his results-oriented leadership. This fosters good will between him, the House in general, and the people. And with goodwill comes a better understanding of the Marcos administration’s policies on the part of the public,” ani Mastura.

Ayon sa vice chairperson ng House Committee on Muslim Affairs, kusang ipinadama ang kabutihang loob at malasakit ng institusyon sa mga Pilipino.

“In this case, the Speaker neither demanded nor was gifted with good will; he worked hard–quietly and consistently–and the people acknowledged him for it. Moving forward, having this dynamic will bodes well for the House. This is the House of the People, after all,” dagdag ni Mastura

Sa pinakahuling OCTA survey na isinagawa noong Setyembre 30 hanggang Oktobre 4, nakakuha si Speaker Romualdez ng 60 porsiyentong trust rating at 61 porsiyentong satisfaction rating.

Naniniwala si Mastura na hindi lamang nasisiyahan ang mga Pilipino sa uri ng pamumuno ni Speaker Romualdez kundi maging sa ginagawa nitong pagtugon sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, sibuyas, bigas, at iba pang pangunahing bilihin.