Martin1

Mga nagawa ni PBBM gamiting pundasyon sa gagawin ni Laurel sa DA

Mar Rodriguez Nov 4, 2023
171 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Speaker Romualdez maaaring gamitin ni Laurel ang mga nagawa ng Pangulo sa sektor ng agrikultura at pangingisda bilang pundasyon ng kanyang mga gagawing reporma sa ahensya para maparami ang suplay ng pagkain sa bansa.

Hindi agad nagtalaga si Pang. Marcos ng kalihim ng DA nang maupo ito sa Malacañang at pinamunuan muna ang ahensya habang naghahanap ng nararapat na indibidwal sa puwesto.

Nagpasalamat naman si Speaker Romualdez sa dedikasyong ipinakita ni Pang. Marcos sa paghawak nito sa DA.

“His tireless efforts have laid a solid foundation for the Department, addressing crucial issues and setting clear goals to uplift the lives of our farmers and fisherfolk. It is my hope that Secretary Laurel will build on this groundwork to further enhance the lives of ordinary Filipinos, ensuring that the collective interests of farmers and fisherfolk are prioritized,” ani Speaker Romualdez, ang lider ng mahigit 300 miyembro ng Kamara de Representantes.

“In these challenging times, it is essential to have a leader who understands the intricacies of the market while keeping the welfare of ordinary Filipinos at heart. I believe Secretary Laurel is that leader, and I look forward to the positive changes he will bring to our country’s agricultural landscape,” dagdag pa nito.

Si Laurel ang pangulo ng Frabelle Fishing Corp. Siya ay naging opisyal din ng iba pang kompanya gaya ng Frabelle Shipyard Corp. at Westpac Meat Processing Corp.

Ayon kay Speaker Romualdez ang malawak na karanasan ni Laurel ay makatutulong sa pagpapa-unlad ng sektor ng pagsasaka at pangingisda.

“The private sector, with its innovation, efficiency, and competitive spirit, has much to offer when integrated with public sector objectives. By merging private sector strategies with the public sector’s broader goals, we can harness the best of both worlds,” ani Speaker Romualdez.

Ang pagtatalaga umano sa lider ng Frabelle Fishing Corp. ay pagpapakita ng kahalagahan ng pribadong sektor sa pagpaparami ng suplay ng pagkain at pag-angat ng ekonomiya ng bansa, at paggamit ng teknolohiya sa agrikultura.

“His firsthand experience in managing a elarge-scale operation gives him insights into the intricacies of supply chains, market demands, and global trends. This expertise will be instrumental in fostering partnerships between the government and private entities, bridging gaps, and creating synergies that benefit the agricultural sector as a whole,” saad pa ni Speaker Romualdez.

Ayon sa lider ng Kamara ang pagsasama ng pribadong sektor at agrikultura ay hindi lamang negosyo.

“It’s about ensuring that the fruits of economic growth are equitably distributed, reaching the grassroots level and benefiting ordinary Filipinos. With a leader who understands both worlds, we can anticipate policies that balance profit with public welfare, ensuring that our farmers and fisherfolk receive fair compensation, access to modern technologies, and opportunities for growth,” dagdag pa nito.