swim Maaksyong kumpetisyon sa swimming.

Barreto, Mojdeh bida sa PSI swimfest

Robert Andaya Mar 2, 2022
488 Views

NAGPASIKLAB sina Miguel Barreto ng Ayala Harpoons Swim Club at Jasmine Mojdeh ng Behrouz Elite Swimming Team sa huling araw ng 2022 Philippine Swimming Inc.-National Open sa Teofilo Yldefonso Swimming Complex sa Malate, Manila.

Nadomina ni Barreto ang men’s 800m freestyle sa oras na 8:52.01 at ang 100m freestyle sa kanyang personal-best time na 53.03.

“Thankfully nag-best time ako. Out of my five events, ‘yun lang pinaka- magandang swim ko kaya sobrang happy ko sa 100 freestyle,” sabi ni Barreto sa panayam sa kanya sa ikatlo at huling araw ng kumpetisyon na itinaguyod ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nagpakita din ng kakaibang galing si dating Palarong Pambansa standout Mojdeh, na namayani sa women’s 200m butterfly.

Nagtapos ang 16-taong gulang na student ng Brent International-Laguna na may oras na 2:19.90 upang maungusan si dating UAAP champion Kirsten Chloe Daos.

Ang 23-taong-gulang na si Daos ay may oras na 2:22.49.

Ito ang ika-dalawang panalo ni Mojdeh, pambato ng yumaong swimming champion Susan Papa, sa naturang kumpetisyon na bahagi ng pagpili ng mga miyembro ng national team sa darating na Southeast Asian Games sa Vietnam.

Sa 100m butterfly, tinalo din ni Mojdeh (1:03.89) ang mga karibal na sina Daos (1:04.10) at Camille Buicob (1:04.20).

Ang BEST teammate ni Mojdeh na si Mervien Mirandilla ay nagwagi din sa men’s 200m butterfly sa oras na 2:11.18.

Ang iba pang mga nanalo ay sina:

— Pierre Chan, QC Buccaneers, men’s 50m backstroke (26.91)

–Jordan Lobos, BEST, men’s 200m breaststroke in 2:21.77.

— Thanya Dela Cruz, Harpoons, women’s 200m breaststroke (2:45.42)

— Hannah Sanchez, All-Star Swim Club, women’s 800m freestyle (9:58.65).

— Xiandi Chua, All-Star Swim Club women’s 100m freestyle (59.26).

— Mishka Sy, QC Buccaneers, women’s 50m backstroke (31.89).

Ang kumpetisyon ay inorganisa ng Philippine Swimming Institute (PSI), sa pamumuno ni Lani Velasco.