Calendar
House Special Committee on WPS binigyang diin committed ang Komite na ipaglaban karapatan PH sa WPS
BINIGYANG DIIN ng Chairman ng House Special Committee on West Philippine Sea (WPS) na si Mandaluyong City Lone Dist. Cong. Neptali “Boyet” Gonzales II na committed ang naturang Komite kabilang na ang iba pang mga kongresista sa ilalim ng liderato ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na pangalagaan ang interes at kapakanan ng bansa sa gitna ng tumataas na tensiyon sa WPS sa pagitan ng Republika ng Pilipinas at bansang China.
Sinabi ni Congressman Gonzales na bilang Chairman ng Komite. Naninindigan sila na ipaglalaban nila ang karapatan ng bansa sa WPS. Bunsod narin ng mahusay na pamumuno ni Romualdez bilang House Speaker ng 19th Congress at ang matibay na paninindigan ni Romualdez sa mainit na usapin ng WPS.
Ang naging pahayag ng beteranong kongresista ay patungkol sa isinagawang pagdinig ng Special Committee on WPS na tumutok at nagbigay ng “highlight” sa kapangahasan o pagiging agresibo ng China sa mismong teritoryo na sakop at pagma-may-ari ng Pilipinas.
“Tensions are high, and it comes when we are experiencing numerous simultaneous conflicts. The frequent incidents prompted by Chinese vessels in the WPS is a serious cause for concern,” sabi ni Gonzales sa kaniyang opening speech sa pagsisimula ng pagdinig.
Sa kaniyang mensahe, muling binigyang diin ni Gonzales ang committment ng Special Committee on WPS na pangalagaan at proteksiyunan ang interes at kapakanan ng Pilipinas partikukar na ang mga mamamayan kaugnay sa patuloy na pakikipag-laban para makuha ng bansa ang karapatan nito sa WPS.
“As I have previously said, our committee is committed to safeguarding the interests of the Philippines and the people,” sabi ni Gonzales.
Ang pagsasagawa ni Gonzales ng pagdinig ay naka-angkla naman sa naging pahayag mismo ni President Ferdinand “Bongbong’ R. Marcos, Jr. Hinggil sa pagbibigay ng proteksiyon sa territorial integrity ng Pilipinas sa WPS.
“And so, we called this meeting to serve as a platform for open dialogue. ensuring that we address the challenges head-on and work towards a peacefull, cooperative future in the WPS,” sabi pa ng mambabatas.