tourism

Muling pagbuhay ng Tourism Department sa nasunog na Manila Central Post Office, ikinagalak ng House Committee on Tourism

Mar Rodriguez Nov 7, 2023
134 Views

tourismIKINAGAGALAK ng House Committee on Tourism ang ikinakasang plano ng Tourism Department patungkol sa muling pagbuhay nito o gagawing “restoration” sa nasunog na makasysayang Manila Central Post Office Building na nilamon at iginupo ng napaka-laking apoy noong nakaraang Mayo.

Sinabi ng Chairman ng Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona na kalugod-lugod ang pina-plano ni Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco para muling maibalik sa dating kalagayan ang Manila Central Post Office Building.

Binigyang diin ni Madrona na maaaring nakikita ni Frasco ang kahalagahan ng muling pagbuhay o restoration ng Manila Central Post Office Building sa pamamagitan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority dahil sa kasaysayang taglay nito na maituturing na kayamanan ng bansa.

Nabatid kay Madrona na sa kasalukuyan ay pinangungunahan ng Inter-Agency Task Force for Cultural Heritage (IATF-CH) ang re-development ng nasunog na Post Office sa tulong narin ng mga eksperto para magbigay suporta sa pagpapanumbalik ng nasabing gusali na itinayo noong 1926.

Nanghihinayang din ang kongresista na manatili lamang bilang isang ala-ala ang nasunog na Manila Central Post Office Building o hayaan na lamang itong maging isang abo. Kaya ikinalulugod nito ang muling pagbuhay ng Tourism Department sa nasabing makasaysayang gusali.

Samantala, pinangasiwaan naman ni Madrona kabilang si Romblon Gov. Jose “Otik” Riano at Engr. Roger Froda ang oath taking ceremony ng mga bagong halal na Bar