Romero1

Pagpapalawig ng DSWD sa Food Stamp Program (FSP) suportado ng House Committee on Poverty Alleviation

Mar Rodriguez Nov 7, 2023
133 Views

KINAKATIGAN ng Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang planong pagpapalawig ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagpapatupad ng Food Stamp Program (FSP).

Sinabi ni Romero na malaki ang naitutulong ng FSP para matugunan ang problema ng mga mahihirap na pamilya bunsod ng kakulangan ng sapat na pagkain partikular na ang malalang suliranin sa malnutrition.

Nauna rito, ipinahayag ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na matapos ang matagumpay na paglulunsad ng FSP sa Surigao del Norte at Surigao del Norte. Pinag-aaralan na aniya ng DSWD ang pagpapalawig sa nasabing programa para mas marami pang mahihirap na mamamayan ang matulungan nito.

Dahil dito, ipinaliwanag pa ni Romero na bagama’t nasa pilot stage pa lamang ang FSP. Subalit maganda na aniya ang nakukuha nitong result ana naglalayong matulungan ang mga mahihirap na pamilya partikular na sa mga malalayong lugar na nakakaranas ng krisis pang-pinansiyal.

Pinasalamatan din ng kongresista ang United Nations’ World Food Program, Asian Development Bank (ADB) at ang gobyerno ng France dahil sa tulong na ipinagkakaloob nito sa pamahalaan ng Pilipinas para maisakatuparan at pagpapatupad ng FSP.

“Sana ay mas mapalawig pa ang FSP ng DSWD dahil napakaraming mahihirap na kababayan natin ang natutulungan nito. Ito ang nakakatugon sa problema ng ating bansa tungkol sa kahirapan at kagutuman,” sabi ni Romero.