Tingog

Tingog Partylist sumaklolo sa mga biktima ng baha sa Davao City

Mar Rodriguez Nov 10, 2023
116 Views

NAGSAGAWA ng dalawang araw na relief operation ang Tingog Partylist sa mga lugar sa Davao City na lumubog sa baha.

Nag-abot ng tulong ang Tingog sa mga binaha sa iba’t ibang barangay kasama ang Brgy. Talomo at Brgy. Aplaya.

Sa pangunguna nina Rep. Yedda Romualdez, Rep. Jude Acidre, at House Speaker Martin Romualdez, namahagi ng arroz caldo at iba pang pagkain ang Tingog sa mga biktima ng pagbaha dulot ng walang humpay na pag-ulan.

Naglibot ang Tingog food truck sa mga apektadong lugar at nakapag-abot ng tulong sa mahigit 3,000 indibidwal at pamilya habang kinukumpuni ang kanilang mga nasirang bahay.

“We are committed to helping our kababayans whenever crisis hits,” ani Rep. Yedda Romualdez. “Even when the rains are strong, the spirit of bayanihan in our communities remains stronger. Tingog Partylist will always be here to serve.”

Ginawa ang relief operation mula Nobyembre 9 at 10.

Muling magsasagawa ang Tingog Partylist ng outreach program upang tulungan ang mga biktima ng baha sa mga darating na araw. Nagpasalamat ang Tingog Partylist sa publiko sa kanilang patuloy na suporta at dasal para sa mga biktima ng baha.