Martin

Speaker Romualdez kinondena China sa paggamit ng water cannons sa bangka ng PH

Mar Rodriguez Nov 10, 2023
119 Views

MARIING kinondena ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang ginawang pag-atake ng Chinese coast guard (CCG) sa bangka ng Pilipinas na nagdala ng suplay sa mga sundalo na naka-destino sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Speaker Romualdez na malinaw na paglabag ang ginawang ito ng CCG sa karapatan ng Pilipinas at sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“The harassment, blocking, execution of dangerous maneuvers, and deployment of water cannons against unarmed vessels engaged in routine operations is not only dangerous but also a blatant disregard for the diplomatic processes we, as a nation, have consistently and firmly advocated for. It is a clear attempt to undermine the peace and stability of the region, and it cannot be tolerated,” ani Speaker Romualdez, lider ng mahigit 300 kongresista.

Iginiit ni Speaker Romualdez na dapat kilalanin ng China ang 2016 Hague tribunal ruling na nagsasabi na sa Pilipinas ang inaangking nitong teritoryo sa WPS.

“We stand firm in our conviction that might does not make right. The Philippines, though a smaller nation, will not be cowed or bullied into submission,” saad pa ni Speaker Romualdez.

Nanawagan din si Speaker Romualdez ng pagkakaisa sa international community lalo na sa mga bansa sa ASEAN na kondenahin ang naging aksyon ng China at suportahan ang prinsipyo ng malayang paglalayag, pagsunod sa batas, at pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.

Sinabi ng lider ng Kamara na ang Pilipinas ay handa na gumawa ng hakbang, gaya ng paghahain ng diplomatic protest, upang mapangalagaan ang soberanya at karapatan at matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino.

“The Philippines seeks peace, but let it be known that we will defend our rights with steadfast determination,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Speaker Romualdez kinondena China sa paggamit ng water cannons sa bangka ng PH