Duterte1

CIF comment, humatak pababa sa rating ni dating Pangulong Duterte?

160 Views

Laglag sa ikalawang pwesto si dating Pangulong Duterte sa latest Tangere Senatorial Survey na isinagawa nitong November 2-4, 2023, ilang linggo matapos magalit ito hinggil sa pag-alis ng kongreso ng “Confidential and Intelligence Fund” (CIF) ng anak nito na si Vice President Sara Duterte.

Mula 62.42 percent noong Setyembre, nabawasan ng 5 points ang voter preference ng dating pangulo, at ngayon ay nasa 57.39 percent lang.

Dahil dito umakyat si ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo sa number 1 spot mula sa 2nd place na nakakuha ng 60 percent voter preference.

Nasa 3rd place si dating Senator Vicente “Tito” Sotto III (49.06%), 4th place si Sen. Imee Marcos (48.78%), 5th place si Sen. Bong Go (47.22%), 6th place si dating Manila Mayor Isko Moreno (44.94%); 7th place si Manny Pacquiao (42.56); 8th place si Doc. Willy Ong (42.39); 9th place si Sen. Pia Cayetano (39%); 10th place si Sen. Bato dela Rosa (38.11); 11th place si Sen. Francis Tolentino (37.56) at 12th place si Sen. Lito Lapid (34.17).

May 1,800 respondents ang nasabing survey nationwide.