Calendar
4 pang mambabatas miyembro na ng Lakas-CMD
APAT pang mambabatas ang lumipat na sa Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Pinangasiwaan ni Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD ang panunumpa nina Parañaque City 1st District Rep. Edwin L. Olivares, Pasay City Lone District Rep. Antonino G. Calixto, Zamboanga del Norte 2nd District Rep. Glona G. Labadlabad, at Cebu 2nd District Rep. Eduardo Roa Rama Jr.
Ginanap ang panunumpa sa Social Hall ng Office of the Speaker sa Batasan Complex, Quezon City.
Sa pagsali ng apat ay umakyat na sa 82 ang bilang ng mga miyembro ng Lakas-CMD ngayong 19th Congress.
“We are elated to welcome these exceptional individuals into the Lakas-CMD family. Thank you for aligning with us as your entry will infuse fresh perspectives to further strengthen the Lakas-CMD’s commitment to nation-building under President [Ferdinand] Marcos’ administration to champion people’s welfare and interests,” ani Speaker Romualdez.
Matapos lumabas ang desisyon ng Commission on Elections ay nanumpa na rin si Zamboanga del Norte Rep. Roberto “Pinpin” Uy bilang miyembro ng Kamara. Si Uy ay miyembro ng Lakas-CMD.
Sina Olivares, Calixto, Labadlabad, at Rama ay mga dating mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Nanumpa na rin nitong Lunes bilang miyembro ng Lakas-CMD si Pasay City Vice Mayor Waltrudes “Ding” Del Rosario.
Noong Nobyembre 8 ay nanumpa bilang miyembro ng Lakas-CMD sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” D. Gonzales Jr. ng Pampanga at Reps. Carmelo “Jon” B. Lazatin II ng Pampanga at Zaldy S. Villa ng Siquijor. Ang tatlo ay dating miyembro ng PDP-Laban.
Noong nakaraang linggo ay nanumpa rin bilang miyembro ng Lakas-CMD si Nueva Ecija 1st District Rep. Mikaela Angela Suansing. Si Suansing ay dating miyembro ng Nacionalista Party.