Valeriano

VIP lane sa bus way’wag payagan — House panel

Mar Rodriguez Nov 18, 2023
258 Views

IMINUMUNGKAHI ng House Committee on Metro Manila Development na huwag ng payagan kahit ang mga VIP na ekslosibong gumamit ng EDSA bus way dahil lamang itong lumilikha ng kalituhan at kaguluhan para sa mga traffic enforcers mismo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nauna rito, binigyang diin ng Chairman ng Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na mas lalo lamang nakakagulo ang pagbibigay ng VIP treatment para sa mga importanteng tao o may mataas na katungkulan sa gobyerno na gumamit ng carousel bus lane.

Dahil dito, iginigiit ni Valeriano na hindi na dapat pahintulutan ang mga VIP o sinomang opisyal ng pamahalaan na ekslosibong gumamit ng bus lane para maiwasan ang kalituhan. Sa halip, ang papayagan na lamang ay yung mga emergency cases tulad ng ambulansiya, bumbero at police mobile.

Ipinaliwanag ni Valeriano na bilang mga nasa mataas na posisyon sa gobyerno. Dapat aniya silang magsilbing isang mabuting halimbawa para sa mga mamamayan partikular na para sa mga motorista na hindi naman “entitled” o may karapatang gumamit ng EDSA bus way.

Sinabi ng Manila congressman na bilang mga nasa gobyerno. Kailangan umanong maipakita nila sa mga mamamayan o general public na walang VIP treatment sa paggamit ng mga lansangan kahit sila pa ay mayroong mataas na katungkulan upang makita mismo ng publiko na ang lahat ay pantay-pantay.

Ayon kay Valeriano, lumalabas na “unfair” o hindi makatarungan para sa isang ordinayo at simpleng mamamayan na nagmamadali sa pagpasok sa kaniyang trabaho o pupuntahang appointment.

Subalit hindi pinagbabawal gumamit ng bus lane tulad ng mga VIP o mga opisyal ng pamahalaan.

Gayunman, aminado ang mambabatas na hindi maaaring ipilit o igiit sa sinomang opisyal ng pamahalaan na maging mapakumbaba sa paggamit ng EDSA bus way o hikayatin silang gumamit na lamang ng ordinaryong daanan upang magbigay ng mabuting halimbawa sa publiko.

“We in government or in high positions in our government should set an example and not to seek or flaunt unnecessary VIP treatment. While we cannot impose on all officials to be down to earth.

We urg them to be as this is also a trait of good leadership,” sabi ni Valeriano.