Calendar
Panukalang batas ni House Deputy Speaker Duke Frasco tungkol sa murang kabaong at abot-kayang funeral services pumasa na sa Committee Level
Komite aprub sa sinusulong ni Rep. Frasco na maayos na burol, libing sa mga naghihikahos
MAY PAGKAKATAON na ang mga naghihikahos na pamilya na magkaroon ng isang maayos at disenteng burol at pagpapalibing sa kanilang yumaong mahal sa buhay. Matapos pumasa sa Committee Level ang panukalang batas para sa murang kabaong at abot-kayang funeral services.
Nauna rito, isinulong ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vicent Franco “Duke” D. Frasco ang House Bill No. 102 na naglalayong “i-regulate” ang presyo at pagbebenta ng kabaong o ataol sa iba’t-ibang punerarya na abot kaya sa bulsa ng isang ordinaryong mamamayan lalo na ang isang mahirap na pamilya.
Sinabi ni Frasco, main author ng House Bill No. 102, na pumasa na sa House Committee on Trade and Industry ang kaniyang panukalang batas at inaasahan na maisasalang na ito sa Plenaryo ng Kamara de Representantes sa susunod na linggo para sa isasagawang Plenary deliberations.
Sa ilalim ng panukalang batas ni Frasco o ang “Affordable Casket Act”, inaatasan ang lahat ng funeral establishments na panatilihin o “i-maintain” ang tinatawag na “availability” ng kanilang disente o maayos na kabaong na abot kaya ng isang mahirap na pamilya na nagkakahalaga lamang ng P20,000.
Ipinaliwanag ng kongresista na kailangang available sa lahat ng funeral establishments ang isang maganda at de-kalidad na kabaong subalit nagkakahalaga lamang ng P20,000. Kumpara sa ibang ataol na mistulang “lawanit at pakong bakya” lamang ang materyales ng nasabong kabaong.
Idinagdag pa ng House Deputy Speaker na layunin din ng kaniyang panukalang batas na kahit mahirap ang isang pamilya. Karapatan pa din nila na mabigyan ng maayos o disenteng burol at libing ang kanilang pumanaw na mahal sa buhay sa pamamagitan ng isang mura at de-kalidad na kabaong.
Aminado si Frasco na isang mabigat na pasanin sa Pilipinas ang mamatayan ng isang mahal sa buhay bunsod ng napakalaking gastusin na kailangan nilang harapin partikular na para sa isang mahirap na pamilya.
Ipinaliwanag ng mambabatas na ang pagkamatay ng isang mahal sa buhay ang pinaka-mahirap at pinaka-magastos aniya dito sa Pilipinas partikular na para sa isang pamilya na nasa nakalulunos na kalagayan o isang mahirap na pamilya sapagkat pino-problema nila kung saa sila kukuha ng panggastos.
Binigyang diin ni Frasco na ang isang sa mga pangunahing problema na kinakaharap ng isang mahirap na pamilya ay ang malaking gastusin at napaka-mahal na “funeral service” para sa kanilang yumaong mahal sa buhay kabilang na dito ang mataas na presyo ng kabaong at pagpapalibing.
Ayon sa kongresista, ang isang kabaong ay nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P110,000 depende sa mateyales na ginamit para dito. Kung saan, ang pinakamurang ataol na walang disenyo o napaka-payak (simple) ay kadalasang nabibili sa mga “low-end” o hindi kilalang punerarya.
“In the Philippines, the cost of dying has become a burden akin to the challenges of living. Many Filipinos are born in poverty, and unfortunately. They often pass away similar circumstances. With steep funeral and burial costs, once can only imagine the painful experience that grief-stricken Filipino families go through when facing not only the loss of their loved ones, but also the financial burden brought about by high-costs funeral expences,” sabi pa ni Frasco.