Martin2

Speaker Romualdez nanawagan ng alyansa ng mga bansa sa Asia-Pacific

Mar Rodriguez Nov 25, 2023
123 Views

Sa pagharap sa hamong kinakaharap ng rehiyon

ISINULONG ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ngayong Sabado ang pagkakaroon ng mas malapit na pagtutulungan at matibay na alyansa ng mga bansa sa Asya-Pasipiko upang epektibong matugunan ang mga hamong kinakaharap ng rehiyon.

“In the foreseeable future, strong partnerships between APPF (Asia-Pacific Parliamentary Forum) member countries will be more crucial than ever. With an ever-widening array of challenges confronting the region, the strength of our relations is what may be the key factor that will enable us not only to endure but to even thrive,” ani Speaker Romualdez.

Si Speaker Romualdez, ang lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro ang nagbigay ng pangwakas na pananalita sa ika-31 Asia Pacific Parliamentary Forum.

Binigyan-diin din ng lider ng Kamara ang kahalagahan ng mga resolusyon na binuo, pinag-usapan, at napagkasunduan sa isinagawang forum.

“But what I deem to be of perhaps even greater value were the relationships that we were able to forge and strengthen, and the partnerships that we were able to establish between and among our respective parliaments. In this sense, we were truly faithful to our theme this year – ‘Resilient Partnerships for Peace, Prosperity and Sustainability’,” sabi ni Speaker Romualdez.

Bagamat ang mga miyembro ng APPF ay mayroong magkakaibang pananaw dahil nanggaling ang mga ito sa iba’t ibang bansa, sinabi ni Speaker Romualdez na ang katotohanan ay mas matimbang dito ang mga bagay na maaaring pagkasunduan at sama-samang itataguyod.

“Indeed, we do not live in denial that there are contentious issues which require our collective resolution. But as long as we remain committed to engage with one another in a spirit of respect, dialogue and cooperation, there is always hope,” wika pa ni Speaker Romualdez.

Sinabi ng lider ng Kamara na isang karangalan para sa Pilipinas ang pag-host sa ika-31 Forum.

“We hope that even in such a short period, we may have been able to share with you what is best in our Filipino culture and that you do consider coming here again,” sabi nito sa kanyang mga kapwa mambabatas.

Ayon kay Speaker Romualdez ang pag-host ng Pilipinas ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga delegado nito upang isulong ang pagnanais ng bansa na maging miyembro ng United Nations Council, ang pag-amyenda sa APPF rules upang maisama sa taunang pagtitipon ang mga young parliamentarian, at ang pagkakaroon ng headquarters ng APPF secretariat sa Pilipinas.

Nagpasalamat si Speake Romualdez sa mga lumahok dahil kanilang ikinonsidera ang mga inisyatiba ng Pilipinas.

Sinabi nito na hindi magiging matagumpay ang Forum kung hindi dapat sa aktibong partisipasyon ng mga kalahok.

Mayroong 267 kalahok kasama ang 158 miyembro ng parliyamento ng 19 na bansa na dumalo sa Forum. Mayroong 37 resolusyon na pinagsama-sama at naging 10 resolusyon na pinagtibay sa pagpupulong.

“Collectively, we were able to discuss and deliberate substantially upon a wide range of urgent regional concerns, and in the end, we were able to adopt worthwhile resolutions that can help our region to attain much higher growth and stability,” saad pa ni Speaker Romualdez.

Sa pagsasara ng Forum, muling iginiit ni Speaker Romualdez ang pagsuporta ng Pilipinas sa mga aktibidad ng APPF sa rehiyon.

“It has been, in fact, a tremendous experience for us to host this year’s forum and to meet all of you. Let me therefore express our deepest appreciation for your coming here and making valuable contributions to this forum,” wika pa nito.

Pinasalamatan din ni Speaker Romualdez ang kanyang co-chairman na si Senate President Juan Miguel Zubiri, at ang forum secretariat na binubuo ng mga empleyado ng Senado at Kamara sa kanilang masigasig na pagtatrabaho upang maging matagumpay ang Forum.

Hiling ni Speaker Romualdez ang ligtas na pagbiyahe ng mga lumahok sa kani-kanilang mga bansa at nagpahayag ng pagnanais na muling makita ang mga ito sa nalalapit na hinaharap.