Calendar
Fil-Japanese Olympian Watanabe magpapasikat sa SEAG
INAASAHANG muling magiging kapanapanabik ang aksyon sa judo competitions sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa May 12-23.
Hindi lamang isa — kundi tatlong bansa — ang makakatapat ng Pilipinas sa muling pagsabak nito sa laban para sa inaasam na gold medals.
Gayunman, tiniyak ni Philippine Judo Federation secretary-general David Carter na hindi natitinag ang mga Pinoy judokas.
“Despite limited training and all the restrictions we are facing due to the pandemic, the national judo team is looking forward to the coming SEA Games in Hanoi,” pahayag ni Carter sa “Sports On Air” via Zoom nung Feb. 25.
“Thailand, the overall champion in the 2019 SEA Games in Manila, is there. Indonesia is there. And of course, host Vietnam. It’s hard, but we’re looking at bringing home two to three gold medals,” dagdag pa ni Carter.
“Sa Hanoi, sila din ang makakalaban natin for the gold medals.”
Si Filipino-Japanese superstar Kiyomi Watanabe ang isa sa mga Pinoy judokas na inaasahang makapag-uuwi ng gold medals.
Tinitiyak na muling madodomina ni Watanabe, ang four-time SEA Games gold medalist na nagsilbing flag-bearer din ng bansa sa nakalipas na 2021 Tokyo Olympics, ang kanyang weight category.
Ang 24-year-old na anak ng isang Japanese father at Filipino mother mula Cebu, na gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang female judo athlete ng Pilipinas na lumahok sa Olympics, ay kasalukuyang puspusang nag-e-ensayo sa Japan.
“Tuloy-tuloy pa rin ang training ni Kiyomi, pati na ang Nakano brothers, Shugen at Keise. Yun ang kagandahan na yun mga atleta natin ay nasa lugar na medyo lighter ang restrictions kumpara dito sa atin,” wika ni Carter, na nagsalita din sa ngalan ng bagong halal na PJF president Ali Sulit.
“Dun kapag nagkaroon lang ng infection or probably merong suspected case sa nilalaruang area o dojo nila, saka lang sila mag-lockdown. At yung lockdown na yun, a week or 10 days at the most lang. So walang problema ang training.”
Inanunsyo din ni Carter, na miyembro din ng board of directors ng Philippine Olympic Committee (POC), na may 17 judokas ang kabilang ngayon sa national team.
“We were blessed by the POC with 17 slots. But that’s because maganda yung naging medal haul natin sa nakaraang SEA Games dito sa Manila. Dun naman madalas naka-base yun, athough we have 13 events this coming SEA Games in Hanoi.”
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ni Carter sa Philippine Sports Commission (PSC), sa pamamagitan ni national training director Marc Velasco, tungkol sa inilalatag na training bubble sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.
“Maayos naman lahat. Yun venue, newly-renovated. Even the equipment that we used during the 2019 SEA Games, nandun. Yun ilang nire-reklamo dati ng mga atleta at coaches na butas sa sahig, naayos na ng PSC,” paliwanag ni Carter.
“But we might not have enough spaces anymore sa dating dorm, so yun iba will have to be housed somewhere. But atleast half of our athletes will be there sa dating dojo sa third floor ng PCSM Bldg. “
Isa sa mga problemang hinaharap ngayon ng mga opisyal ng judo at iba pang combat sports ay ang kakulangan ng sparring partners para sa kanilang ensayo.
“One of our problems right now is lack of sparring partners gaya din sa wushu at kurash. Nag-usap na kami ni Rolan of kurash para maging sparring partners yun mga atleta namin. Wala naman problema sa amin as long as we are not violating any rules. Sabi nga, magka-hawig naman talaga ang judo at kurash. Pero ang problema talaga, very limited yun dormitories to accomodate our athletes.”
Wala na ding qualifying events para sa pagpili ng mga miyembro ng national team, ayon pa kay Carter.
“Right now, malabo talaga na magkakaroon pa ng qualifying event dahil very tight na ang ating oras, lalo na inaayos pa yun bubble set-up. So we decided to stick with the current members of the national team. Pipiliin na lang yung ipadadala sa Hanoi.”
“But in case any of the local coaches or clubs magsasabi na they want to challenge kung sino man ang gusto sana nating ipadala sa SEA Games, welcome sa amin. Hindi natin hahadlangan yun mga pananaw ng mga coaches na mula sa clubs,” paliwanag ni Carter.
“Pero kailangan sabihin kaagad kung merong gustong ipantapat laban dun sa current holder of slot sa national team. Dapat pasok pa din sa deadline for accreditations.What is the good of allowing those challenges kung a month na lang before the SEA Games. Hindi na rin makakakuha ng accreditation.”
“So what we will do is to let them play against our national team members. Best-of-three matches. Kung sino manalo, yun ang ipadala natin sa SEA Games.”
Ang judo ang isa sa mga kapanapanabik na combat sports sa nakalipas na 2019 SEA Games sa Manila.
Nakasungkit ang Thailand ng seven golds, two silvers at two bronzes upang tanghaling overall champion.
Pumangalawa ang Indonesia, na may four golds, two silvers at two bronzes at pumangatlo ang host Philippines, na may three golds, one silver at nine bronzes.
Ang Vietnam, na siyang 2022 host, ay pumang-apat sa two golds, four silvers and four bronzes.