House Committee

House Committee on Poverty Alleviation pinagsikapan na maibalik sa listahan bilang mga benepisyaryo ng 4Ps program ang nasa 700,000 mahirap na pamilya

Mar Rodriguez Dec 9, 2023
117 Views

PINAGSIKAPAN ng Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., na ma-reinstate o muling maibalik sa listahan ng 4Ps program ang nasa tinatayang 700,000 mahirap na pamilya bilang mga benepisyaryo.

Sinabi ni Romero na tiniyak mismo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na muling maibabalik sa listahan ng 4Ps program ang 700,000 pamilya bilang benepisyaryo ng nasabing programa.

Nabatid pa kay Romero na bukod sa mare-reinstate ang 700,000 mahihirap na pamilya sa 4Ps program. Magiging retroactive din umano ang kanilang benepisyo o muli nilang matatanggap ang kanilang benepisyo na hindi ibinigay sa kanila mula ng tanggalin sila sa listahan.

Ipinaliwanag ni Romero matapos ang ginanap na pulong sa pagitan ng House Committee on Poverty Alleviation at DSWD. Pumayag din aniya ang nasabing ahensiya na i-release sa lalong madaling panahon ang pondo para sa 700,000 pamilya kabilang na ang kasalukuyang 3.2 milliong beneficiaries.

“This legislative effort is a Christmas gist we intend to give our kababayans. We hope the DSWD makes it even more perfect by expediting distribution. We want the DSWD to fully utilize the budget of the 4Ps for 2023. We must jointly extend a helping hand to those who are in dire need of financial assistance,” sabi ni Romero.

Dinagdag pa ng kongresista na hinikayat din ng Komite ang DSWD officials na pagkalooban ng “cash grants” ang nasa tinatayang 300,000 households beneficiaries na magtatapos o ga-graduate na sa 4Ps program sa pagtatapos ng 2023.