Calendar
Atake ng water cannon sa PH vessel ng Chinese Coast Guard binira ng mga senador
NAGKAKAISANG kinondena ng ilang senador ang atake kamakailan ng water cannon sa isang Philippine vessel ng mga dayuhang Chinese ships sa pagpalaot nito upang magdala ng supplies sa mga Pilipino fishermen malapit sa Bajo de Masinloc o mas kilala bilang Scarborough Shoal.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, ang ganitong pagpapakita ng tunay na saloobin ng mga ito ay pagpapatunay lamang na mga “walang puso at awa” ang mga nasabing chinese militia sa ating mga Pilipino kung saan ay wala aniya silang pakialam sa buhay ng mga nasabing tao na kanilang binobomba ng tubig.
“They have no heart. They have gone from unlawfully blocking us from navigating our own waters to now deliberately damaging our vessels and endangering the lives of our people.” ani Zubiri
Ayon pa kay Zubiri, napapanahon na upang ipakita ng Pilipino ang pagkondena sa ganitong uri ng pang aabuso na ginagawa sa loob ng ating bakuran ng isang dayuhan.
“I strongly condemn the latest attack of Chinese ships on Philippine goverment vessels in the West Philippine Sea. The Philippine vessels that were attacked by water canons are from the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources and they were providing supplies to Filipino fishermen near Bajo de Masinloc or Scarborough Shoal. This time, China not only caused us great damage to property but they also put Filipino lives at risk. This was a humanitarian mission, and still China chose to attack them.
“Again, I salute the brave men and women of the BFAR, our Coast Guard and our Navy for standing up to the bullying of China. May you be steadfast in upholding the integrity of our territory and our exclusive economic zone. ” dagdag pa ni Zubiri.
Hinamon naman ni Senador Jose Jinggoy Estrada na respetuhin ng Chinese government ang batas para aniya mapanatili ang kapayapaan.
Ayon pa kay Estrada, nananatiling kalmado at sumusunod ang Pilipinas sa batas ng katahimikan at nagpapakita ng respeto sa gitna ng tensyon na dinudulot ng Chinese vessels sa ating mga kababayan. Ngunit hindi aniya makatuwiran na patuloy gawin ng Tsina ang ganitong uri ng pambubully sa ating bansa.
“We strongly urge the Chinese government to respect international law, exercise restraint, and cease all actions that jeopardize the peace and security of the region. The Philippines has consistently advocated for peaceful and diplomatic solutions to disputes, and we call on all parties involved to engage in meaningful dialogue to address the root causes of these incidents. We must pursue avenues that promote cooperation, understanding, and respect for each other’s rights in the pursuit of a stable and secure region,” dagdag pa ni Estrada.
Nanawagan din si Estrada ng pagkakaisa upang kondenahin ang ganitong uri ng pambubully sa ating ng Tsina at ang walang humpay na paglabag ng mga ito sa ating soberanya.
“Ang mga aksyon ng China Coast Guard (CCG) ay hindi dapat nangyayari. Ito ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao, batas ng dagat at nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa soberanya ng Pilipinas. We stand united in condemning these latest aggressive actions taken by CCG. We will not be cowed by any actions to intimidate or undermine our sovereign rights.” ani Ejercito.
Nanawagan naman si Senador Francis Tolentino sa International Community na samahan ang Pilipinas sa pagkondena sa ginagawa ng China laban sa mga Pilipino na tinatakot at hinaharass umano ng Chinese Coast Guard sa loob ng Philippine Economic Zone mismo ng ating bansa.
“We strongly condemn China’s use of water cannons against civilian research vessels near Bajo de Masinloc within the Philippines’ Exclusive Economic Zone, undermining peace and stability in the region. As a flotilla of civilian Filipino vessels prepares to deliver Christmas gifts within the Philippine EEZ, we hope the international community will remain united against harassment and that the festive spirit of generosity and goodwill will not be overshadowed by the forces of intimidation. The Chinese Coast Guard should not spoil our Christmas with unwarranted aggression”.