Calendar
Valeriano nanawagan sa DOTr na i-extend bidding para sa rehab project ng NAIA
NANAWAGAN ang chairman ng House Committee on Metro Manila Development sa Department of Transportation (DOTr) na pakinggan ang payo ng Asian Development Bank (ADB) kaugnay sa extension ng bidding para sa rehabilitation project ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Umaapela si Manila 2nd Dist. Rolando “CRV” M. Valeriano, Chairperson ng Committee on Metro Manila Development, sa pamunuan ng DOTr upang magkaroon ng isang buwang extension o pagpapalawig sa deadline ng bidding para sa rehabilitation project ng NAIA para maiwasan ang monopoly sa proyekto.
Ipinaliwanag ni Valeriano na napakahalagang mapakinggan ng DOTr ang opinion ng ADB sapagkat bihasa sila sa ganitong larangan upang makapili o magkaroon din ng alternatibo ang Transportation Department para naman sa mga kuwalipikadong kompanya na lalahok sa gagawing bidding.
Ayon kay Valeriano, malaking halaga aniya ang nakataya para sa isasagawang proyekto. Kung kaya’t, napakahalaga din umano na maging maingat ang DOTr sa isasagawang bidding.
“Sa ganitong mga proyekto bihasa ang ADB. Sana ay mapakinggan ang opinion ng ADB at mapalawig pa ang deadline. Mas mainam ito para mas makapili ang DOTr ng mga kuwalipikado na gagawa sa proyekto dahil mas marami pa ang makakasali sa bidding at mas makakapaghanda sila,” ayon kay Valeriano.
Kasabay nito, sinabi naman ni OFW Party List Marissa “Del Mar” P. Magsino na hindi dapat ipagwalang bahala ang posisyon ng ADB patungkol sa nasabing issue sapagkat ang napaka-importanteng unahin ditto ay ang kapakanan at kagalingan o welfare ng mamamayang Pilipino at pamahalaan.
“We believe the leadership of the Department of Transportation (DOTr) and the Manila International Aiport Authority (MIAA) in coordination with the National Economic Development Authority (NEDA) have exhaustively studied the pros and cons of the rehabilitation and expansion of NAIA through concession agreements,” sabi naman ni Magsino.