Marianito Augustin

Cong. Rolando “CRV” Valeriano naghatid ng kaligayahan ngayong Pasko para sa mga Senior Citizens ng Barangay 155

161 Views

NAGPAPASALAMAT tayo sa Panginoong Diyos at kahit papaano ay nairaos natin ang araw ng Kapaskuhan ng masagana at masaya. Masasabi ko na hindi parin tayo pinababayaan ng Diyos sapagkat sa kabila ng krisis at kahirapan na nararanasan natin ay nagagawa parin natin ang magdiwang sa kaarawan ni Hesus.

Marahil ay ganito ang nararamdaman ng libo-libong Senior Citizens ng Barangay 155 sa Maynila matapos ang idaos na Christmas Party para sa kanila na pinangunahan ng kongresistang may busilak na kalooban. Ito’y walang iba kundi ang napakabait na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano.

Sinabi na sa atin dati ni Congressman Valeriano na malapit ang kaniyang puso para sa mga matatanda o ang ating mga Lola at Lolo. Sa katunayan nga, siya ang nag-aalaga sa kaniyang Nanay. Kaya hindi na nakakapagtaka kung todo suporta siya sa mga Senior Citizens sa kaniyang distrito.

Dahil dito, maraming residente ng 2nd District ng Manila ang nagmamahal kay Valeriano bunsod ng malasakit at pagmamahal na ipinapakita niya sa kaniyang mga kababayan. Hindi tuloy maiwsan na mabansagan siyang “modern day” Ramon Magsaysay dahil sa kaniyang maka-masa at makataong image.

Kung ang mga politiko natin ay katulad lamang sana ni Congressman Valeriano. Wala na sanang mamamayan ang nagagalit o kaya naman ay napakataas ng respeto sa mga politiko. Pero ang nakakalungkot, bibihira ang mga gaya ni Valeriano na sinsero at tapat sa kanilang paglilingkod.

Katulad ng politiko ditto sa aming lugar. Noong eleksiyon daw ay super bait at super generous daw ni Congressman. Kaya naman sobrang dami din ang bumoto sa kaniya kaya siya ang nanalo. Ito na ang malungkot, matapos siyang manalo. Hindi na daw gaya nung siya ay kumakandidato. Sus Ginoo! Asa ka pa!

Makabayan Bloc naghain ng resolution para imbestigahan ng Kongreso ang problema ng mga magsasaka sa Yulo Ranch

NANANAWAGAN si House Deputy Minority Leader at ACT Party List Cong. France Castro kay President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para tugunan ng pamahalaan ang kasalukuyang suliranin ng mga magsasaka sa Yulo Ranch na pag-aari umano ng pamilya isang government official.

Dahil dito, naghain dati ng House Resolution si Castro sa Kamara de Representantes para magkaroon ng isang masusing pagsisiyasat patungkol sa nasabing issue. Sinabi ng kongresista na nais nilang ipabusisi sa Mababang Kapulungan ang di-umano’y “conflict of interest” na kinasasangkutan ng nasabing government official sa Yulo King Ranch na sinasabing pag-aari ng pamilya ni Environment Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga.

Ayon sa mambabatas, pag-aaralan nila ang tungkol sa isyu dahil may mga kaso umano na pangangamkam ng lupain sa nasabing lugar na yan at yun nga ang sinasabi ng ating mga magsasaka, may conflict of interest.