Valeriano

Valeriano naniniwala na DU30 mabibigyan ng pagkakataon ipaliwanag 358 baril

Mar Rodriguez Dec 27, 2023
169 Views

NO one is above the law”.

Ayon kay Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano, ito ang kapalarang naghihintay kay dating Pangulong Rodrigo “Roa” Duterte patungkol sa pag-aari nitong 358 na baril na nakatakdang imbestigahan ng International Criminal Court (ICC) kabilang na ang iba pang akusasyon laban sa kaniya.

Gayunman, naniniwala naman si Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na mabibigyan parin ng pagkakataon ang dating Punong Ehekutibo para sagutin ang mga akusasyon laban sa kaniya kabilang na ang kontrobersiyal at madugong “war on drugs campaign” nito.

Ipinaliwanag ni Valeriano na sa isang demokratikong Lipunan. Ang bawa’t mamamayan na nahaharap sa isang partikular na issue ay binibigyan ng pagkakataon para ipaliwanag ang kaniyang panig dahil ang “application” ng batas ay pantay-pantay (No one is above the law).

“When our sight is on common good, we have to exercise due diligence in a democratic society. The person or party being questioned has to be given the chance to answer a complaint or petition. When our sight is on justice being served, its persuit is in order for no one is above the law,” paliwanag ni Valeriano.

Sinabi din ng kongresista na tiwala siya na magiging parehas ang gulong ng hustisya para kay Duterte sa kabila ng ginawang pagbatikos sa kaniya ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV hinggil sa di-umano’y pagpapa-rehistro nito sa kaniyang 358 na baril bago ito bumaba sa puwesto.

Samantala, naghatid naman ng labis na kaligayan si Valeriano para sa mga residente ng Barangay 249 matapos magsagawa sa nasabing lugar ng Christmas Party na pinangunahan ng kongresista.

Ayon kay Valeriano, walang mapagsidlan naman ng kaligayahan ang libo-libong residente ng Barangay 249 sapagkat sa mga ganitong pagkakataon lamang nito maipapakita ang kaniyang malasakit ang pagkalinga sa mga kaniyang mg aka-distrito.