Maynilad

Singil ng Maynilad, Manila Water hindi na papatawan ng VAT

331 Views

SIMULA sa Marso 31, 2022, hindi na papatawan ng 12% Value Added Tax (VAT) ang singil sa tubig ng Manila Water at Maynilad.

Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO) ang pagbibigay ng Kongreso ng prangkisa sa Maynilad at Manila Water ay nag-aalis sa serbisyo nito sa mga bagay na pinapatawan ng VAT.

Sa halip na VAT, ang water services ng dalawang kompanya ay papatawan ng 2% national franchise tax (NFT) at local franchise tax (LFT).

Ang Manila Water ay nagsusuplay ng tubig sa Makati, Mandaluyong, Pasig, San Juan, Taguig, Marikina, Pateros, at bahagi ng Quezon City, Maynila at lalawigan ng Rizal.

Ang Maynilad naman ang nagseserbisyo sa malaking bahagi ng Manila, Quezon City; bahagi ng Makati City, at mga siyudad ng Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Valenzuela, Muntinlupa, Navotas, Malabon, at bahagi ng Cavite.