Speaker Romualdez

Speaker Romualdez hiniling na palawigin panahon ng pagpapatupad ng Jeepney Modernization Program

127 Views

HINILING ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Department of Transportation (DOTr) na repasuhin ang Jeepney Modernization Program (PUVMP) at palawigin pa ang panahon ng pagpapatupad nito.

Ito’y matapos mapaso ang December 31, 2023 deadline ng franchise consolidation ng mga operator ng tradisyunal na jeepney sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Libu-libong drivers at operators ang inaasahang mawawalan ng hanapbuhay kung hindi sasali sa kooperatiba.

Giit ni Speaker Romualdez, dapat kilalanin at bigyang halaga ang papel ng mga jeepney driver na nasa likod ng local transport industry ng bansa.

Pakiusap ni Romualdez, huwag naman sanang tanggalan ng kabuhayan ang mga tsuper na marangal na nagtatrabaho para sa kanilang pamilya.

“Their welfare is our primordial concern. As we transition to modernized jeepneys, we recognize the challenges faced by drivers and operators,” ayon kay Speaker Romualdez.

Tiniyak din ng lider ng Kamara na susuportahan niya ang mga batas at programa na naglalayong protektahan ang kabubuhayan ng mga tsuper ng jeep.

“This includes providing assistance in the transition to new vehicles, ensuring access to affordable financing options and offering training programs to help them adapt to new technologies”, ani Romualdez.

Para sa lider ng Kamara, itinuturing bilang isang simbolo ng kulturang Pilipino ang mga tradisyunal na jeep na tinaguriang “Hari ng kalsada”.

“As we embrace progress and innovation, it is imperative that we address the need for modern, efficient and environmentally friendly transport systems. The Jeepney modernization program is not just about upgrading vehicles; it’s a comprehensive plan to rejuvenate our urban transportation landscape, making it safer, more reliable and in tune with sustainable practices”, sabi pa ng lider ng Kamara.

Pag-aaralan din ni Speaker Romualdez ang mga opsyon para mabigyan ng fixed income opportunity ang mga tsuper.

Nauna rito, pinaiimbestigahan na rin ni Speaker Romualdez ang umano’y nangyayaring korupsyon sa pagpaplano at implementation ng jeepney modernization program.