Rep Frasco

Rep. Frasco tinulungan mga kababayan habang break Kongreso

124 Views

Rep Frasco Rep Frasco Rep Frasco Rep FrascoHABANG naka-break ang session sa Kamara de Representantes, ginagamit naman ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang pagkakataong ito para magbahagi ng tulong at iba pang ayuda para sa kaniyang mga kababayan lalo na para sa mga may kapansanan.

Isang linggo pa lamang ang nakakalipas mula ng pumasok ang bagong taon o 2024. Subalit todo hataw na si Frasco sa pamamahagi ng tulong para sa kaniyang mga kababayan partikular na sa mga residente ng Catmon at Carmen matapos itong mamahagi ng nasa tinatayang P4.5 million.

Nabatid kay Frasco na 803 beneficiaries na kinabibilangan ng mga Persons with Disabilities (PWDs) ang nakatanggap ng P3,000 bawat isa. Habang ang 345 katao naman ay nagmula sa creative industry ang nakatanggap ng P6,090.00 na pawing mga residente ng Catmon at Carmen.

Sinabi ng kongresista na hindi lamang tuwing Pasko ang pamamahagi ng tulong para sa mga kapos-palad. Bakos, sa panahon na kinakailangan nila ng tulong at suporta mula sa pamahalaan. Kaya bilang opisyal ng gobyerno. Puspusan umano ang kanilang pagsisikap na makatulong sa mga mahihirap na mamamayan.

Nauna rito, unang sigwada pa lamang ng taong 2024. Hindi na agad nagpa-awat ang House Deputy Speaker para tulungan ang mga kababayan nito na matinding sinalanta ng malaking sunog sa Sitio Santa Maria, Barangay Pusok, Lapu-Lapu City.

Magugunitang personal na binisita ni Frasco ang relocation site ng mga pamilyang naapektuhan ng malaking sunog sa nasabing lugar. Kung saan, kabilang sa mga nasunog ay ang mga mahahalagang infrastructure buildings at mga kabahayan.

Sinaklolohan ng mambabatas ang mga biktima ng sunog matapos mamahagi ang kongresista ng nasa tinatayang 1,400 bags na naglalaman ng 5 kilo ng bigas at 2,900 lata ng sardinas para sa mga apektadong residente ng Barangay Pusok.