Martin

Speaker Romualdez pinangunahan PH delegasyon sa WEF 2024

Mar Rodriguez Jan 16, 2024
131 Views

Pamumuhunan, MIF at dagdag na trabaho para sa mga Pilipino, isusulong

PINANGUNAHAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang delegasyon ng Pilipinas sa World Economic Forum (WEF) Annual Meeting (AM) 2024 sa Davos, Switzerland upang palakasin ang posisyon ng Pilipinas bilang nangungunang investment destination at para ibida ang Maharlika Investment Fund.

“We are committed to leveraging this international platform to escalate the effort of the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr. to promote the Philippines as an attractive and secure investment destination, ultimately benefitting the Filipino people with more jobs and business opportunities,” sabi ni Speaker Romualdez

Noong Oktubre 2023, sumulat si WEF President Borge Brende kay Speaker Romualdez upang imbitahan ito sa pagpupulong na gaganapin ngayong Enero.

Magsasama-sama sa taunang pulong ang mga lider ng iba’t ibang bansa, negosyo—kabilang ang mga pinakamalalaking sovereign fund managers— at civil society upang pag-usapan at hubugin ang mga pang daigdigan, pang-rehiyon at pag-industriyang mga usapin.

“The leaders gathering in Davos would greatly value your insights, especially with the escalating geopolitical and geo-economic challenges present in the region and globally. Your active participation will also help strengthen the Filipino narrative and the country’s global standing in the eyes of the international community, providing rich opportunities for the country,” saad ni Brende.

Inendorso ni Ambassador at Permanent Representative to the World Trade Organization Manuel A.J. Teehankee ang paanyaya, kung saan binanggit din nito ang mahalagang papel ni Speaker Romualdez sa pagkakapasa ng MIF at ang pagpapakilala at paglulunsad ni Pangulong Marcos Jr. dito sa AM 2023.

Ayon kay Tehankee, magbubukas ang AM 2024 ng malaking oportunidad para maipagpatuloy ang magandang nasimulan ni Pang. Marcos sa kaniyang pakikibahagi noong nakaraang taon gayundin ay mapanatili ang interes ng Davos community sa mga oportunidad na mayroon ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang may mabilis na paglago ng ekonomiya.

Inaasahan na sa pagdalo ni Speaker Romualdez sa AM2024 ay ibabahagi nito ang mga nailatag na mahahalagang reporma sa lehislatura at ang mga inisyatiba ng administrasyong Marcos para mapaganda ang business climate at posisyon ng Pilipinas bilang kaakit-akit na lugar para paglagakan ng puhunan.

Inaasahan din na magkakaroon ng bilateral meeting si Romualdez sa mga kasaping pinuno ng mga bansa at negosyo.

“We are confident that our engagement with some of the world’s top business leaders and political leaders would generate significant interest and recognition of our Maharlika Investment Fund as a compelling platform for direct foreign investments. This, in turn, can contribute significantly to the country’s economic growth and job creation for our people,” ani Romualdez.

“We also hope to learn from the best practices of the world’s leading sovereign wealth fund and utilize such valuable inputs to ensure the growth and success of our own Maharlika Investment Fund,” sabi pa niya.

Dagdag pa ng House Speaker, ang WEF ay isang magandang pagkakataon para palakasin ang istratehikong pakikipag-ugnayan sa mga lider ng iba’t ibang bansa at magkaroon ng kolaborasyon para mapa-unlad pa ang ekonomiya at kakayanang makipag kumpitensya ng Pilipinas.