Martin

Speaker Romualdez pinuri pagsulong ng Cha-cha sa Senado

Mar Rodriguez Jan 16, 2024
153 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paghahain ng isang resolusyon sa Senado na naglalayong magpatawag ng Constituent Assembly upang magpanukala ng pagbabago sa 1987 Constitution.

“As Speaker of the House of Representatives, I would like to express my unwavering support for the Senate’s initiative to file a Resolution of Both Houses of Congress,” ani Speaker Romualdez.

“This resolution using the mode of Constituent Assembly is a decisive step towards amending the 1987 Constitution, particularly in terms of relaxing the economic provisions that currently restrict the entry of foreign direct investments into the Philippines,” pagpapatuloy nito.

Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na mabago ang Konstitusyon upang makasabay ang Pilipinas sa pagbabago ng global economic landscape.

Ang pagbabago umano ay kailangan upang maabot ng ekonomiya ng bansa ang buong potensyal nito.

“The move to amend the Constitution through a Constituent Assembly underscores our commitment to a democratic and participatory process. It reflects our collective resolve to address the long-standing barriers that have, to some extent, hindered our nation’s progress,” wika pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

“Moreover, the synergy between the Senate and the House in passing this Resolution will send a strong signal of unity and purpose,” saad pa nito.

Ang hakbang resolusyon na inihain sa Senado ay nakalinya rin umano sa layunin ng mga nagsusulong ng People’s Initiative na mabago ang Saligang Batas.

“Their efforts, born out of a necessity due to previous unsuccessful attempts at amending the Constitution through Congress, highlight the urgent need for these reforms,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

“We recognize that amending the Constitution is a significant and sensitive endeavor. It requires not only the collective will of Congress but also the support and understanding of the Filipino people. We are committed to ensuring that this process is transparent, inclusive, and reflective of the aspirations of our citizens,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Handa umano ang Kamara na makipag-usap at makipagtulungan sa bawat isa upang magawa ang mga kinakailangang pagbabago sa Konstitusyon.

“As Speaker, I assure the Filipino people that their voices will be heard and their interests safeguarded as we embark on this journey towards a brighter and more prosperous future for the Philippines,” pagtatapos ni Speaker Romualdez.