Calendar
DA kumpiyansa presyo ng sibuyas di tataas
KUMPIYANSA ang Department of Agriculture (DA) na hindi tataas ang presyo ng sibuyas sa mga susunod na araw..
Ito ay kahit na tinamaan ng peste ang pananim ng sibuyas sa Nueva Ecija.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Agroculture Secretary Franciaco Tiu Laurel Jr. na maliit na porsyento lamang ang tinamaan ng peste.
Gayunman, inamin ni Laurel na mababawasan ang suplay ng sibuyas dahil sa nangyari sa Nueva Ecija pero hindi sapat na rason para tumaas ang presyo nito..
Pinag-aaralan na aniya ng DA ang insidente kung paano matutulungan ang mga magsasaka at hindi na ito maulit.
Sa ngagyon, bibigyan na muna aniya ng DA ng buto at binhi at pesticides ang nga apektadong magsasaka para makapagsimulang muli.
Sa kasalukuyan, nasa P100 hanggang P120 ang presyo ng sibuyas kada kilo.