BBM1

Marcos inaprubahan rice subsidies at Tertiary Health Care sa mga sundalo

Chona Yu Jan 17, 2024
135 Views

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibigay ng subsidiya sa bigas para sa mga sundalo sa buong bansa.

Sa New Year’s call ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na aprubado na rin ang pondo sa Tertiary Health Care para sa AFP Medical Center.

“Beyond duty, we prioritize their daily lives. I have approved a specific budget for rice subsidies and Tertiary Health Care at the AFP Medical Center for advanced medical services and overall wellness support,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“With an increased 2024 budget for the DND, we’re dedicated to ensuring the well-being of our uniformed personnel and their families. This commitment is evident in our support for the Revised AFP Modernization Program and the Pension and Gratuity Fund, ensuring financial stability for military and civilian personnel,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Sabi ni Pangulong Marcos, prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ang kapakanan ng mga sundalo.

Patunay din aniya ito na pursigido ang administrasyon na maisulong ang modernizatjon program, pesion at gratuity fund para sa tiyak ang financial stability sa mga sundalo at civilian personnel.