BBM1

Lung transplant sa PH malaking breakthrough

Chona Yu Jan 23, 2024
134 Views

MISMONG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nagpasinaya sa launching ng Lung Transplant Program ng Lung Center of the Philippines sa Quezon City.

Ayon kay Pangulong Marcos, malaking breakthrough ang lung transplant sa bansa.

Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos ang mga healthcare professionals sa patuloy pagbibigay serbisyo sa taong bayan.

“Let us remember that healthcare is our covenant with the people, a public commitment driven by neither political agenda nor personal legacy projects.

In this hospital where heroes walked and worked, may this program be a testament to our unwavering duty to serve the Filipinos,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Si Pangulong Marcos ang ikalawang pangulo ng bansa na bumisita sa Lung Center kasunod ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Taong 1998 pa may nakapila na sana sa lung transplant pero nasunog ang Lung Center of the Philippines. Inuna muna ang pag-aayos nito bago ang lung transplant.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang pneumonia at iba pang respiratory diseases ang nasa top 20 diseases na sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino.

Nasa P4.2 milyon ang inilaang pondo para sa renovation ng post-anesthesia care at P1.8 milyon ang inilaan para sa surgical intensive care unit.

Kasabay nito, nangako si Pangulong Marcos na magtatag ng 179 na medical specialty centers bago matapos ang kanyang administrasyon sa 2028.

Pito sa specialty centers ang laan para sa lung care centers.