BBM1

Marcos sa Coldplay concert: Di dapat palagpasin

Chona Yu Jan 23, 2024
136 Views

UNMISSABLE!

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa concert ng sikat na British band na Coldplay sa Philippine Arena sa Bulacan noong Enero 20.

Sa panayam sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City, sinabi ni Pangulong Marcos na ibang klase ang concert ng Coldplay na hindi dapat na palagpasin.

Batid naman aniya ng lahat na isa siyang music lover at matagal na nag-aral sa musika ng ilang taon.

“And, to have somebody like Coldplay— you can’t— unmissable dapat ‘yun. You cannot miss. So, I went and it was—by the way, it was fantastic. It was great,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“You can ask anybody who attended the concert, ibang klase. Hindi na ‘yung concert na pinupuntahan namin dati. Ibang-iba na. Talagang it’s a whole—not only that, it show that [their] spectacular. Talagang hindi pa ako nakakita ng ganun. Wala pang ganun sa Batac,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Matatandaang umani ng batikos si Pangulong Marcos sa paggamit ng presidential chopper sa panonood ng concert ng Coldplay.

Pero paliwanag ni Presidential Security Command Major General Nelson Morales na dahil sa matinding trapik at banta sa seguridad, pinili nilang gumamit na lamang ng chopper.

“Recognizing that this traffic situation posed a potential threat to the security of our President, the PSC took decisive action by opting for the presidential chopper,” pahayag ni Morales.

Tinatayang nasa 40,000 katao ang nanood sa concert.