Calendar
Mas maraming issues tatalakayin, tututukan ng mga kongresista
SA PAGBABALIK ng session sa Kamara de Representantes. Optimistiko naman si Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano na magiging produktibo ang session ng 19th Congress ngayong 2024 dahil sa pagtalakay at pagtutok ng mga kongresista sa mga mahahalagang usapin.
Ayon kay Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na sa pagbabalik ng session ng Kongreso matapos ang “Holiday break”. Inaasahan na magiging abala ang mga mambabatas sa pagpapatuloy ng kanilang session para talakayin ang mga kabinbing nilang trabaho.
Sinabi ni Valeriano na kabilang sa mga issues na kinakailangang nilang tutukan at talakayin ay ang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin katulad ng tinapay, bigas at iba pang basic commodities.
Ipinaliwanag din ng kongresista na isa sa mga dapat nilang talakayin para magkaroon ng solusyon ay ang pagtaas ng pasahe kabilang na dito ang panukalang jeepney phase-out para isulong ang modernisasyon sa sektor ng transportasyon na tinututulan ng libo-libong mga drivers.
Binigyang diin ni Valeriano na hindi lang naman ang pagbabago sa Konstitusyon sa pamamagitan ng People’s Initiative (PI) ang pagkaka-abalahan nilang mga kongresista sapagkat may mga issues ang higit nilang pagtutuunan ng pansin kagaya aniya ng usapin sa energy bunsod ng mga serye ng mga brownouts.